• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaglaban ni Direk Darryl Yap na huwag tanggalin ang butt exposure scene ni Marco Gallo

Marco Gallo no qualms about doing butt exposure in ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso’

Ipinaglaban ni Direk Darryl Yap na huwag tanggalin ang butt exposure scene ni Marco Gallo

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/26/2021 10:56 AM
Marco Gallo no qualms about doing butt exposure in ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso’
Photo credit: @marcogalloc Instagram

Ayon sa direktor ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na si Darryl Yap, ipaglalaban niya sa Viva na huwag putulin ang butt exposure ni Marco Gallo sa kanyang bagong pelikula.

Maging si Marco ay pabor rin na ipalabas ang eksenang nakita ang kanyang puwet habang naliligo sa isang eksena sa Manananggal. Aniya, sayang naman daw ang kanyang effort at lakas ng loob kung puputulin ang eksena.

“Bakit ayaw nila? Gusto ko!” natatawa niyang pahayag.


Ayon kay Direk Darryl, ang Viva Artists Agency (VAA) na talent management ni Marco ang ayaw na ipasilip ang pwet ng binata sa Vivamax audience.

“May butt exposure si Marco. Ipinaglalaban ko pa kina Boss Veronique (del Rosario-Corpus, head ng VAA). Ayaw nila, pero inilalaban ko.

“Baka puwede nating ipakita sa tao yung butt exposure. Naliligo siya tapos yung kamera sumusunod sa bula, eh, pumunta sa behind ni Marco. So, abangan niyo.

“Hindi rin handa si Aubrey (Caraan, leading lady ng aktor) diyan sa eksenang ‘yan,” kuwento ng controversial director.

READ: Marco Gallo reveals why he’s not shy to walk naked on the set of his new film

Reaksyon naman ni Marco, “Ipa-viral natin. Sabihin natin, ‘Viva, huwag ninyong i-scene drop.’”

Sa Italy ay hubo’t hubad daw kung maligo si Marco kaya madali lang para sa kanya na gawin ang naturang eksena.

“Ang Europeans daw, mostly ganoon maligo and they don’t care talaga kasi medyo hindi malisyoso ang mga tao doon. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-plaster. Huwag na raw dahil masakit pa at may maglalagay pa,” sey ni Direk Darryl.

Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang magsisilbing launching movie ng tambalan Marco at Aubrey sa Viva. Sa Siquijor kinunan ang kabuuan ng pelikula na mapapanood sa Vivamax.

READ: Darryl Yap explains why JaDine was replaced in ‘Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’

Ayon sa dalawang bida, very memorable sa kanila ang mga bonding moments habang sila ay nasa Siquijor.

Ani Marco, “We talked a long time until 3 a.m. I took her by the beach, I remember that. We had such a long talk and we bonded.”

Saad naman ni Aubrey, “Very straightforward si Marco. Masaya ako dahil nag-share siya sa akin ng personal life niya. Doon lang kami naging close kahit nagka-work na kami before sa isang television series. Mas nakilala ko si Marco sa pag-uusap namin na yon.

“I’m very happy to work with Marco. Magaan siya katrabaho, hindi niya ako pinabayaan sa mga eksena.”