• Home
  • Fresh Scoops
  • Ariella Arida explains why these three candidates have what it takes to be the next Miss Universe representative.

Here’s Ariella Arida’s top 3 for the 2021 Miss Universe Philippines pageant

Ariella Arida explains why these three candidates have what it takes to be the next Miss Universe representative.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/26/2021 03:27 PM
Here’s Ariella Arida’s top 3 for the 2021 Miss Universe Philippines pageant

Tatlo sa candidates ng 2021 Miss Universe Philippines ang personal bet ni Ariella Arida para mag-uwi ng korona sa coronation night sa September 30, 2021. Ayon sa 2013 Miss Universe 3rd runner-up, malakas ang laban ng representatives ng Mandaluyong, Taguig, at Cebu.

“I love this girl from Mandaluyong – Maria Corazon Abalos. Sobrang Pilipina-looking niya. I love her beauty kasi, eh, Pinay na Pinay,” lahad ng beauty queen turned actress.

Maria Corazon Abalos is a 23 year-old Filipino beauty queen representing Mandaluyong. Graduate siya ng kursong International Studies sa De La Salle University. Anak si Corazon ng dating mayor ng Mandaluyong at ngayon ay MMDA Chairman na si Benhur Abalos.


READ: Venus Raj, Ariella Arida, and MJ Lastimosa revealed as preliminary judges in the 2020 Miss Universe Philippines pageant

Patuloy ni Ariella, “I also like Katrina Dimaranan. Well, my take lang kasi if tuloy yung Miss Universe this December hopefully they would send someone na reding-ready na lumaban kasi parang it’s gonna be like two or three months preparation na lang.”

Katrina Dimaranan is a Filipino-American model, actress, television personality, and beauty pageant titleholder who was appointed as Miss Supranational USA 2018. Naging representative siya ng United States sa 2018 Miss Supranational.

Isa pa sa personal bet ni Ariella ay si Steffi Rose Aberasturi ng Cebu.

“Naggu-grow kasi siya sa akin. I love her karisma, she’s always smiling and you can feel the confidence,” pagde-describe naman niya sa Cebuana beauty.

Si Steffi Rose ang nag-top sa Miss Universe Philippines runway challenge.

Kapansin-pansin naman na wala sa personal choice ni Ara ang iba pang early favorites na sina Maureen Wroblewitz at Kirsten Danielle Delavin. Si Maureen ay previous winner ng Asia’s Next Top Model na representative ng Pangasinan samantalang si Kirsten na kilala rin bilang Kisses ay former PBB housemate na taga-Masbate.

Samantala, bilib din si Ara sa batch ng aspiring beauty queens na kasali ngayong taon.

“Kung ako yung sasali ngayon at kung ako yung nasa batch ngayon sobrang ang hirap. Hindi ko kakayanin with the pressure of social media and then pandemic pa. Tapos they have to do all these photo shoots, so what if wala akong budget? Ang hirap for girls ngayon,” reaksyon ni Ara.

LOOK: Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon reunited with fellow Filipino beauty queens

Nakiusap si Ara na sa halip na i-bash ang mga candidates ay dapat daw na ipakita na lang ang suporta sa mga ito dahil hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ngayon.

Aniya,  “I would always tell na sana yung mga supporters will also be kind to these girls, our aspiring queens. Kasi hindi ganun kadali yung pinagdadaanan nila physically, mentally and emotionally.”

Kasalukuyang nasa San Francisco, USA si Ara para bisitahin ang isang kaibigan nang makausap siya ng PUSH at ibang entertainment press sa digital mediacon ng pelikulang Sarap Mong Patayin na tungkol sa catfishing o pagpapanggap sa social media ng mga tao gamit ang ibang identity.

Isa daw sa highlight ng pelikulang sinulat at idinirek ni Darryl Yap ang pagkakaroon ng kissing scene nina Ariella at Lassy.

Paano ba niya ide-describe ang kanilang kissing scene ng vlogger/comedian?

“Pinakamalansa sa lahat ng malansa, sa lahat ng isdang malansa!” natatawang sagot ni Ariella. “Unang kita pa lang namin ni Lassy, yun agad ang pinag-usapan namin.

“Sabi ko, ‘Hahalikan kita?’ Siya pa yung parang nagdadalawang-isip. Ang ginawa ko, tinitingnan ko na lang siya every day kapag magkasama kami sa set para talagang matanggap ko na ito yung hahalikan ko,” sabay tawa ulit nang malakas ni Ara.

Mapapanood ang Sarap Mong Patayin sa Vivamax simula sa October 15.