• Home
  • Fresh Scoops
  • May kaugnayan nga ba ang larawan sa new single ni Sheryn Regis?

Sheryn Regis at Vin Abrenica may nakakaintrigang larawan

May kaugnayan nga ba ang larawan sa new single ni Sheryn Regis?

BY
ABS-CBN Corporate Communications

FRESH SCOOPS

09/24/2021 08:31 PM
Sheryn Regis at Vin Abrenica may nakakaintrigang larawan
Photo credit: @sherynregis IG

Kasama ng Kapamilya singer na si Sheryn Regis ang aktor na si Vin Abrenica sa larawang ipinost nito noong Biyernes (September 24) sa Instagram. 

Tila malapit ang dalawa sa isa’t isa sa nasabing larawan at mapapaisip ang kanilang fans kung ano bang ugnayan ang namumuo sa kanila, sa kabila ng balitang recently engaged na ang aktor. 


Samantala, noong Biyernes din inirelease ni Sheryn ang new hugot single niyang "Gusto Ko Nang Bumitaw." Tungkol ito sa pagnanais ng isang taong nagmamahal na lumaya na siya mula sa isang mapanakit na relasyon. 

Mukhang may kaugnayan ang kanta o ang ilalabas na music video nito sa inilabas na larawan ni Sheryn.