• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang aktres na si Neri Naig sa mga naantig sa isang bagong kasal mula sa Cebu City na na-scam umano ng kanilang wedding coordinator.

Neri Naig, nag-alok ng tulong sa bride na na-scam

Isa ang aktres na si Neri Naig sa mga naantig sa isang bagong kasal mula sa Cebu City na na-scam umano ng kanilang wedding coordinator.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/24/2021 10:14 AM
Neri Naig, nag-alok ng tulong sa bride na na-scam
Screenshot from Tonskie Elsisura Facebook and Photo credit: @mrsnerimiranda Instagram

Isa ang aktres na si Neri Naig sa mga naantig sa isang bagong kasal mula sa Cebu City na na-scam umano ng kanilang wedding coordinator.

Sa Facebook, isang wedding photographer na nangangalang Tonskie Elsisura ang nag-post ng video ng isang bride na umiiyak sa labas ng venue kung saan dapat gaganapin ang kanyang wedding reception. 


Ayon sa photographer, ikinagulat na lang ng magkasintahan, pati na ng kanilang mga guests, nang sabihin ng management ng lugar na wala umanong event na naka-book para sa araw na iyon.

Dagdag pa ni Elsisura, huli umanong nakita ang wedding coordinator ng magkasintahan sa bahay ng bride isang araw bago ang kanilang kasal. Ngunit hindi na umano ito tumulong sa pag-assist sa bride sa sa mismong araw ng kanilang kasal noong Miyerkoles, Setyembre 22. 

BASAHIN: Pregnant Neri Naig receives second dose of COVID-19 vaccine

Sa kanyang post sa Instagram, nakiramay si Neri sa bride at sinabing naiintindihan niya ito dahil minsan na rin siyang ikinasal.

"Just saw this sa Facebook. Bilang naging bride din ako, ang pinaka-ayaw natin ay ma-stress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, 'di tayo dapat binibigyan ng stress," aniya.

Matapos nito ay nag-alok ang aktres ng tulong para sa nasabing bride at ang kanyang asawa. Sa kanyang post, sinabi ni Neri na siya at ang kanyang business partner na si Jonah Bautista na ang bahala sa wedding reception ng magkasintahan, mula sa venue hanggang sa wedding cake, pati na sa emcee. 

May pabaon din umano siyang accessories, beddings, at sleepwear para sa bride bilang regalo. 

"Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner. Kami na bahala sa reception niya," ani Neri.

"Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. 'Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo," dagdag pa niya.

Bukod kay Neri, willing din umano ang negosyanteng si Ghie Pangilinan na sagutin ang tokens para sa mga guests. Magbibigay din daw umano ito ng pera para sa bagong kasal, ayon sa aktres.

Tingnan ang buong post ni Neri rito:

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 

Si Neri, 36, ay ikinasal sa kanyang asawa na si Chito Miranda sa Tagaytay noong 2014.