• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy na tuloy na ang laban ng Miss Universe Philippines 2021.

Miss Universe Philippines coronation night to be held in Bohol

Tuloy na tuloy na ang laban ng Miss Universe Philippines 2021.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/24/2021 03:12 PM
Miss Universe Philippines coronation night to be held in Bohol

After ng postponement ng original date ng Miss Universe Philippines na gaganapin sana nitong September 25, tuloy na tuloy na ang Miss Universe Philippines ngayong September 30.

RELATED LINK: READ: Miss Universe PH coronation night postponed

Sa pamamagitan ng social media post ng Miss Universe Philippines, inanunsyo ang magandang balita para sa pageant fans.


“The Miss Universe Philippines Organization is very happy to announce that the Province of Bohol will be our host for the Miss Universe Philippines 2021 Pageant. The finals will be on September 30 at the Henann Resort Convention Center in Panglao, Bohol. We are grateful to the Governor Arthur Yap, the Bohol LGUs and Tourism board and the IATF for allowing us to stage this year’s pageant in this most idyllic destination,” pahayag ng Miss Universe Philippines sa post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 

Kasabay ng announcement, all set na rin ang mga kandidata na ipinasilip na ang kanilang makukulay na National Costumes na likha ng talented Filipino fashion designers all over the Philippines.

Sa ngayon, looking forward ang maraming pageant fans sa inaasahang coronation night sa darating na September 30 kung saan maglalaban-laban ang 28 kandidata para sa korona ng Miss Universe Philippines.

RELATED LINK: Zambales at Davao City candidates, nag-back out sa Miss Universe PH

Si Rabiya Mateo ang reigning Miss Universe Philippines na inaasahang magpapasa ng korona sa susunod na pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe Pageant na gaganapin ngayong December sa Eilat, Israel.

RELATED ARTICLE: Israel to host 70th Miss Universe pageant