• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinu-sino nga ba ang mga hinahangaang P-pop groups ngayon? Alamin 'yan dito.

4 P-pop groups to stan | Pushpins

Sinu-sino nga ba ang mga hinahangaang P-pop groups ngayon? Alamin 'yan dito.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/25/2021 08:30 AM
4 P-pop groups to stan | Pushpins

Marami man ang international groups at bands na kilala at patuloy na tinatangkilik ng marami ay hindi pa rin nagpapahuli ang mga Pinoy pop groups.

Maraming Pinoy ang may talento sa pagkanta at pagsayaw na ngayon ay gumagawa ng sariling pangalan sa local at international scenes gaya na lamang ng mga grupong ito.

Sinu-sino sila?


Let's find out.

 

SB19

Ang SB19 ay isang Filipino boy band na mayroong limang miyembro. Ito ay sina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 

Taong 2018 nang unang ipinakilala ang grupo bilang SB19, kasabay nito ay napakinggan ang kanilang debut single na Tilaluha.

Ang SB19 ay ang kauna-unahang Filipino act na nakakuha ng nomination sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards.

July nitong taon nang i-release ng grupo ang kanilang bagong EP na pinamagatang Pagsibol.

Nakilala rin ang iba pang kanta ng SB19 gaya ng Go Up, What? at MAPA, pati na rin ang album nila na Get in the Zone.

 

BGYO

Ang P-pop group na BGYO ay mayroon din limang miyembro na sina Akira, Gelo, Mikki, Nate, at JL.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 

"Becoming the change, Going further, You and I, Originally Filipino" ay ang ibig sabihin ng pangalan ng grupo nilang BGYO.

Enero ng taong ito nang ipinakilala sila ng Star Magic at unang narinig ang kanilang debut single na The Light.

Ang BGYO ang unang Filipino act na nag-number one sa Next Big Sound Chart ng Billboard dahil sa kanilang comeback song na The Baddest.

Kasalukuyang pinaghahandaan ngayon ng BGYO ang kanilang digital concert sa darating ng Nobyembre 2021, kasama ang kanilang sister group na BINI.

 

BINI

Ang BINI ay isang Filipino girl group na mayroong walong miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 


November 2020 nang makilala ang BINI dahil sa performance nila ng kanilang pre-debut single na Da Coconut Nut.

Ang kanilang group name na BINI ay nanggaling sa Filipino word na Binibini.

May 2021 nang i-announce ng Star Music ang kanilang official debut, kasabay ang kanilang EP na Born to Win.

Nitong September 10 ay nagkaroon ng comeback single ang grupo na tinawag nilang Kapit Lang.

Pinaghahandaan din ngayon ng BINI ang kanilang back-to-back concert kasama ang BGYO.

 

MNL48

Ang MNL48 ay ang pangatlong international sister group ng AKB48, isang Japanese girl group, kasama ang JKT48 ng Indonesia at BNK48 ng Thailand.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Instagram (@instagram)

 

Ang MNL48 ay mayroong 48 members nang una itong ipinakilala sa publiko.

Aktibo ngayon ang mga members ng P-pop group sa pagpapasaya ng kanilang mga fans gamit ang streaming site na Kumu.

December 2020 nang i-release ng girl group ang music video ng kanilang unang original song na Hash Love.

Kilala ang MNL48 sa kanilang mga kanta gaya ng Gustong Makita, River, High Tension, at Pag-ibig Fortune Cookie.

Get to know them better in this episode of Pushpins.

What can you say about our P-pop groups?