TINGNAN: Yen Santos, binura ang mga litrato sa kanyang Instagram account

Wala nang laman ang Instagram account ni Yen Santos.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/23/2021 03:40 PM
TINGNAN: Yen Santos, binura ang mga litrato sa kanyang Instagram account
Photo Credit: @yensantos01 Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagbura ni Yen Santos ng kanyang mga posts sa kanyang Instagram account. 

Nagulantang ang mga tagahanga ng aktres na si Yen matapos bumungad sa kanila ang Instagram account ng aktres na wala nang kalaman-laman na mga litrato. 

Mayroong dalawang milyong followers si Yen sa kanyang Instagram account. 


Nagbiro pa ang social media personality na si Senyora at sinabing: “Haay bat mo naman dinelete lahat Yen. New chapter?”

LOOK: All of Yen Santos in 22 photos

Ito ay sa kalagitnaan ng pagkakadawit niya sa isang kontrobersyal na isyu kamakailan. 

Matatandaang nasangkot kamakailan si Yen sa isyu ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes. 

Si Paolo ang naging partner ni Yen sa pelikulang A Faraway Land sa Netflix. 

READ: Paolo Contis on working with Yen Santos in ‘A Faraway Land’: ‘Our chemistry was very easy‘

Bagama’t una nang pinabulaanan ni Paolo ang umano’y ugnayan nila ni Yen, inamin naman nito na nakasama niya si Baguio si Yen “as a friend.”