• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi maitago ng aktres na si Vivoree Esclito ang saya na mapabilang sa cast ng sikat na ABS-CBN series na ‘Huwag Kang Mangamba.’

Vivoree Esclito, excited na mapabilang sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Hindi maitago ng aktres na si Vivoree Esclito ang saya na mapabilang sa cast ng sikat na ABS-CBN series na ‘Huwag Kang Mangamba.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/22/2021 09:49 AM
Vivoree Esclito, excited na mapabilang sa ‘Huwag Kang Mangamba’
Photo Credit: @vivoree Instagram

Hindi maitago ng aktres na si Vivoree Esclito ang saya na mapabilang sa cast ng sikat na ABS-CBN series na Huwag Kang Mangamba.

Sa Inside News ng Star Magic, sinabi ni Vivoree na isang malaking pribilehiyo para sa kanya ang mapasama sa programa.


"I'm very excited and grateful po kasi I will be working with another set of actors na dati ay pinapanood ko lang pero ngayon ay nakakatrabaho ko na. So it's such a privilege for me na mapabilang sa bagong cast ng 'Huwag Kang Mangamba,'" aniya.

Nagbigay din siya ng ilang detalye tungkol sa karakter na gagampanan niya sa naturang serye na pinagbibindahan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes.

"Si Freya, isa siya sa inampong anak ng mag-asawang Policarpio. Pero dapat niyo talagang abangan kung ano ang magiging epekto ko, ang epekto ni Freya sa buhay ni Mira," aniya.

BASAHIN: CONFIRMED: Ian Veneracion joins cast of ‘Huwag Kang Mangamba’

Bago ang Huwag Kang Mangamba, huling napanood si Vivoree sa sikat na teen series na He's Into Her.

Ayon sa aktres, excited na rin siya na makatrabahong muli ang kanyang co-stars sa nasabing palabas, na nakatakdang magbalik para sa ikalawang season. 

"Sobra ko nang nami-miss ang buong cast at ang buong team ng 'He's Into Her.' I'm sure na we will have a lot of fun sa panibagong lock-in taping namin soon," aniya.

Abangan si Vivoree sa Huwag Kang Mangamba na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at  iflix.