• Home
  • Fresh Scoops
  • Gigo de Guzman, aminado na biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa sunud-sunod na pagsubok tulad ng pagpanaw ng kanyang ina.

OPM icon Claire dela Fuente nagpapakita sa panaginip ng anak na si Gigo de Guzman: ‘Happy naman daw po siya’

Gigo de Guzman, aminado na biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa sunud-sunod na pagsubok tulad ng pagpanaw ng kanyang ina.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/22/2021 05:46 PM
OPM icon Claire dela Fuente nagpapakita sa panaginip ng anak na si Gigo de Guzman: ‘Happy naman daw po siya’
Photo credit: @gigodg86 IG

Humarap sa ilang entertainment press si Gigo de Guzman sa ginanap na story conference ng pelikulang Moonlight Butterfly nitong nakaraang Huwebes, September 16, 2021. Kasama siya sa cast ng pelikula ni Direk Joel Lamangan na pagbibidahan nina Kit Thomson, Albie Casino, at ng baguhang si Christine Bermas. 

Si Gigo ay anak ng OPM icon na si Claire dela Fuente na pumanaw noong March 30, 2021 dahil sa COVID-19. Naging kontrobersyal din ang binata nang masangkot ito sa pagkamatay ng flight stewardess na si Christine Dacera. 

READ: ‘Sayang’ hit maker Claire Dela Fuente, pumanaw na


Inamin ni Gigo na bagama’t ilang buwan na ring wala ang kanyang ina ay nagpaparamdam pa rin daw ito hanggang ngayon sa kanya. 

“Sometimes, nagpapakita sa dreams. Happy naman daw po siya,” kuwento niya nang makausap ng PUSH at ibang press sa Claire’s Restaurant (Dampa Seaside, Macapagal Avenue) na itinayo ng mommy niya singer 15 years ago. 

May mga binibilin din daw sa kanya ang yumaong ina. 

“Minsan, nagbibilin. Like, nag-aano sa sarili, let go of things na mabigat sa puso. Parang pinagagaan niya ang pakiramdam ko, mga ganu’n,” dagdag pa niya. 

Aminado rin si Gigo na biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa sunud-sunod na pagsubok na kanyang kinaharap na nataon pa mismo ngayong pandemic. 

“Talagang life-altering na po, eh. Even I cannot quite comprehend what happened. But hindi po ibig sabihin na puwede akong huminto o tumigil. Kailangan po tayong mag-move on and kahit paano, step by step po,” lahad pa niya. 

“Ngayon po, hindi po natin masasabi na nakapag-move on na ako completely, pero I’m doing my best, lalo na po kaming magkapatid. Kasi siyempre, hindi po kami… 

“Wala pong tutulong sa amin kundi yung sarili namin. Step by step naman po, and we have a very good support system. So, we’re thankful for the big love and support from those who look out for us. 

“So far, so good. Okey naman po. Pero siyempre, hindi po naman namin masasabi na fully, completely naka-move on na,” tuluy-tuloy niyang pahayag. 

READ: Yam Concepcion dedicates ‘Init Sa Magdamag’ to Claire Dela Fuente: ‘Kung hindi dahil sa kanya wala ako dito ngayon’

Dati na ring umaarte si Gigo. Naging bahagi siya noon ng Trumpets bilang stage actor pero hindi dahil hindi masyadong pabor si Claire sa pagpasok niya sa showbiz kaya tinalikuran muna niya ito. 

“To be honest po before, medyo… she didn’t want me to enter showbiz. Yun po ang sa umpisa. Pero nu’ng talagang pinakiusapan ko po siya, pinayagan po niya akong mag-acting, here and there po. So, naging supportive na rin po siya. I think she will just be happy na I’m doing what I want. 

“Kasi, nanggaling po siya sa showbiz. For her po, yung experience niya, while it was mostly good, there were parts na she also didn’t like. Siyempre, alam naman po natin iyan, nothing is perfect. So, she wanted to protect me from that,” paliwanag ni Gigo. 

Ang Moonlight Butterfly ay mula sa produksyon nina Len Carillo at Melanie Uy ng 3:16 Media Networks.