Various showbiz personalities react to Toni Gonzaga’s controversial interview

Toni Gonzaga, umani ng mixed reactions dahil sa vlog nito.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

09/21/2021 04:08 PM
Various showbiz personalities react to Toni Gonzaga’s controversial interview
Screenshot from Toni Gonzaga Studio YouTube Channel

Marami mang bashers si Toni Gonzaga sa inilabas na vlog interviewing Bongbong Marcos, meron ring mga iba na nirespeto ang desisyon niya. 

September 13 nang lumabas ang kontrobersyal na interview ni Toni kay Bongbong Marcos. 

READ: Martial Law Museum blasts Toni Gonzaga over Bongbong Marcos interview


Ang kaniyang YouTube channel na Toni Talks ay may mahigit 4 million followers. Ang nasabing interview entitled “The Greatest Lesson Bongbong Marcos Learned From His Father” ay umani na ng mahigit 5.2 million views na. 

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-interview si Toni ng mga politicians. Kasama sa mga na-interview niya sina VP Leni Robredo at Mayor Isko Moreno. Pero sa pagkakataong ito, marami ang nagsasabing hindi sumang-ayon sa napili niyang interbyuhin. 

Marami ang nahirapang paniwalaan na neutral ang naganap na interbyu, at  isa sa mga puna ay ang hindi niya pagsabi sa interview na ninong nila ng asawang Paul Soriano sa kasal si BBM. Bukod dito ay inendorso ng mag-asawa si Bongbong noong nakaraang eleksyon by attending the Marcos rally and posting on social media. 

May mga nagsabing it was an attempt at historical revisionism, at dapat ay mas naging responsable si Toni sa paggamit ng kaniyang impluwensiya. 

Kuwento ng award-winning writer na si Ricky Lee, isa siya sa mga nakulong noong Martial Law kahit walang ebidensiya laban sa kaniya. Sa podcast ni Howie Severino ay ikinuwento niya na tuwing nakakarinig raw siya ng pahayag na nag-iiba ng naratibo ng panahong iyon ay nasasaktan pa rin siya. 

“Feeling ko parang ako 'yung binubura, parang binubura ako,” sabi ni Ricky. 

Dagdag niya, “Maski papaano I think may naibigay ako, may na-contribute ako sa kung anuman ang nangyayari sa atin ngayon. So parang nabubura lahat 'yun. So siyempre you feel totally wiped out 'pag may nababasa akong ganu'n. So it hurts.”

Sa kabila ng frustrations, naniniwala si Ricky na mahalagang maalala ang mga nangyari sa kasaysayan. 

“Unang-una, dapat hindi tayo nakakalimot, e,” aniya. 

Higit na kailangan daw ito dahil iba na ang taktika ng mga gustong magbago ng mga nangyari. 

“Naging mas tuso, nagiging mas maabilidad, mas maparaan at in a way, naging mas successful,” sabi niya. 

Pero hindi raw ang pagiging bulag sa nangyari ang mas malaking kasalanan, kundi ang mga taong bumubulag sa kanila. 

Aniya, “I don't want to blame them, e. Bilang writer, trabaho kong tumulong na makita. Pero we should not blame people for being blind. It's not the blind people that we should blame, it's the people who blind them that we should blame.

Tinuligsa ng Ateneo Martial Law Museum ang naganap na interview at naglabas sila  ng open letter addressed to Toni.

“Your show has contributed to the Marcos family’s attempts to whitewash their human rights violations and its proven historical record,” ani nila.

Kasama rin sa sulat ay inaanyayahan nilang interviewhin din ni Toni ang mga biktima ng Martial Law. 

Ayon sa sulat, “May we invite you to instead talk to the victims and surviving families of the Martial Law regime? The Ateneo Martial Law Museum stands ready to facilitate your encounter with the victims of Martial Law and with the truth.”

“Hearing their stories and struggles will be much more inspirational for your audience than talking to anyone from the Marcos family,” ani nila. 

Sa kabila ng mga negative reactions, may ilan naman na ipinagtanggol ang actress-vlogger. 

Ayon kay Cristy Fermin, karapatan ni Toni na mamili ng guest na gusto niya sa channel niya. 

“Besides, inaanak ni BBM si Toni at Paul Soriano noong kinasal sila. Napakagaling ng interview niya kay BBM dahil casual na casual lang. Wala kang mararamdaman na may hidden agenda siya,” aniya.

Ganito rin ang depensa ni Ogie Diaz. 

Aniya, “Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims? Andu'n na ako. Na wala ako doon. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako. Na nakikidalamhati tayo.”

Ang punto ni Ogie, ang nangyaring pagpuna ay lalo lang naman nakadagdag ng views sa nasabing interview, at kung ang gusto talaga ng mga tao ay wag makalimutan ang nakaraan, dapat ay gumawa sila ng paraan para ipaalala ito at hidni lang pambabash kay Toni ang gawin.

Suggestion ni Ogie,  “Ilabas n’yo yung mga itinatago n’yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n’yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n’yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu’ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Tingnan n’yo, kakasita n’yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa yt channel ni Toni, pinanood nila yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views.”

Sumangayon sin si Gov. Chiz Escudero na karapatan ni Toni mamili ng iinterbyuhin niya. 

“Toni Gonzaga has the freedom & right to interview whomsoever she may want to in her platforms,” ani niya sa isang tweet. 

Dagdag pa niya, “Whether or not you agree with the interviewee or her is totally up to you because you too have the freedom & right to watch or not to watch or like/dislike…. #mychannelmyright”

Ang co-host at malapit na kaibigan ni Bianca Gonzalez, na very vocal sa kaniyang mga pananaw, ay nagbigay na rin ng pahayag. 

Ani Bianca, “Many of you have you been tagging me. My stand has always, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you out at the rallies. I've gotten messages asking, 'Bakit tahimik ka sa issue?”

Sabi ni Bianca, pinili niyang sa pribadong paraan kausapin ang kaibigan, ngunit hindi ito nangangahulugan na nag-iba na siya ng sariling paninindigan. 

“As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of ‘call out’ publicly. Because for me, that is what a true friend would do,” pahayag ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.”

Wala pang komento si Toni tungkol sa mga bashers, pero minsan na niyang ihinayag ang saloobin tungkol sa mga pinipili niyang i-interview. 

Ayon kay Toni, “This is where I stand—I don't categorize the people I interview.”

Dagdag niya, “I look at all of them as people with stories to share no matter how bad a person is, no matter how good a person is, no matter how cancelled a person is by the society. Every single person on this planet has a powerful story to tell. And no matter how bad their story is, we can always learn from that person. So I don't want to categorize, I don't want to interview politicians, I don't want to interview managers, I'm not gonna interview these celebrities. I'm just open to talking to people with powerful life stories.”