TINGNAN: Badjao Girl, nais sumali sa Miss Universe

Handa na umanong sumabak sa Miss Universe si Rita Gaviola.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/21/2021 02:28 PM
TINGNAN: Badjao Girl, nais sumali sa Miss Universe
Photo Credit: @itsritagaviola Instagram

Nais umanong sumali ni Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl sa Miss Universe. 

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rita ang isang litrato kung saan makikitang nakaayos ito. 

Dito, sinabi niya na sasali siya sa itinuturing na isa sa pinakamalaking pageants sa buong mundo. 

“Soon sasali na tayo sa Miss U,” saad ni Rita sa caption ng kanyang post. 

READ: Wow! 'Badjao Girl' Rita Gaviola looks every inch the model in her latest Instagram photos

Marami naman ang sumuporta sa naging pahayag ni Rita. 

Ani ng isang netizen: “Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!”

“Sali ka na po sa Miss U next year please,” saad pa ng isang netizen. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 

 

 

Nakilala din si Rita sa kanyang pagsali sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan isa siya sa mga teen housemates. Siya ang tinaguriang “Badjao Girl ng Lucena.” 

READ: WOW! ‘Badjao Girl’ Rita Gaviola stuns in cultural outfit

Una itong nakilala taong 2016 nang mag-viral ang kanyang litrato nito na nanlilimos kasama ang kanyang kapatid sa taunang Pahiyas Festival.