• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpahayag ng kanyang saloobin ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo sa mga taga-hanga ng aktres na umano ay pinagkakakitaan ang kanyang pangalan at imahe.

Kampo ni Kathryn Bernardo, may pakiusap sa fans

Nagpahayag ng kanyang saloobin ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo sa mga taga-hanga ng aktres na umano ay pinagkakakitaan ang kanyang pangalan at imahe.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/21/2021 12:36 PM
Kampo ni Kathryn Bernardo, may pakiusap sa fans
Photo Credit: @bernardokath Instagram

Nakiusap ang kampo ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga taga-hanga na huwag gamitin ang pangalan at imahe ng aktres sa paggawa ng kahit anong digital platform na maaaring mapagkamalan bilang kanyang official na account. 

Ito ay matapos nilang inanunsyo na mayroon nang sariling business domain si Kathryn sa pamamagitan ng isang public service announcement nitong Lunes, Setyembre 20.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)

 

"We have chosen to create a new digital space, which Kathryn will use as her official business domain. She may be contacted via business@everydaykath.com," pahayag ng kanyang kampo.

"We are also appealing to Kathryn's fans to refrain from using her name and her image in the creation of any digital platform which can be confused as official accounts, merchandise, or additional social media handles being managed either by Kathryn or her team," dagdag pa nila.

Samantala, sa kanyang Instagram post ay nagpahayag ng kanyang saloobin ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa mga taga-hanga ng aktres na umano ay pinagkakakitaan ang kanyang pangalan at imahe.

"'Yung FB (Facebook) ni Kath around 4 yrs, ago na that time ay may 12M+, matagal na hinawakan ng fans since 'Goin' Bulilit' days, pinagkakitaan, ayaw ibalik sa amin," aniya.

"Ngayon naman itong bernardokath.com may unang nakakuha and gumamit ng name, sad to say ni-request namin na baka kami ang pwede naman gumamit. Nag-ask kami if they're willing to let go the domain, how much… na-shock lang kami sa asking amount niya. Fan pa raw sya since 2013… Sad to say sarili mo ng pangalan 'di mo pwedeng gamitin," sabi pa niya.

BASAHIN: Kathryn Bernardo shares throwback photo with ‘crush’ Daniel Padilla

Si Kathryn, 25, ay may milyon-milyong followers sa kanyang social media accounts. Mayroon siyang 15.7 million followers sa kanyang official Instagram page, 4 million sa Facebook, at 3.52 million subscribers sa kanyang YouTube channel na "Everyday Kath."

Matatandaan na noong 2020 ay isa siya sa ilang Kapamilya stars na nakapasok sa "Asia's 100 Digital Stars" list ng Forbes Asia dahil sa kanyang star power sa social media.