TINGNAN: Jinkee Pacquiao, minsan nang sumali sa isang beauty pageant

Jinkee Pacquiao, minsan nang sumabak sa beauty pageant.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2021 08:42 AM
TINGNAN: Jinkee Pacquiao, minsan nang sumali sa isang beauty pageant
Photo Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Kilala si Jinkee Pacquiao para sa maraming bagay kabilang na ang pagiging negosyante, pulitiko, at siyempre asawa ng boxing champ at senador na si Manny Pacquiao. 

 

 

Pero alam niyo bang minsan na siyang sumali sa isang malaking beauty pageant sa GenSan noon? 

Sa isang throwback Instagram post, ibinahagi ni Jinkee ang isang larawan mula sa kanyang sinahilahang pageant dalawampung limang taon na ang nakalilipas. 

READ: Jinkee Pacquiao lands cover of luxury magazine 

Pagbabahagi ni Jinkee, sumali siya sa Miss GenSan noong taong 1996 dalawa at kalahating dekada na ang nakalilipas. 

 

 

“Wow. A blast from the past. Memories. That's me 25 years ago. (Miss Gensan 1996),” ani Jinkee. 

Sa nasabing litrato, kitang-kita na noon pa man ay talagang maganda na si Jinkee. 

Nakasuot ng swimsuit si Jinkee na kita ang ngiti kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Tingnan ang nasabing litrato sa ibaba: 

 

 

Hindi naman napigilan ng mga netizens at mga malalapit na kaibigan ni Jinkee na bumilib sa litrato mula sa kabataan nito. 

READ: Jinkee Pacquiao reminisces her days as a college beauty queen

Ilan sa mga nag-iwan ng komento ang fashion designer na si Francis Libiran at beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez

Una nang ibinahagi ni Jinkee nitong nakaraang taon na sumali siya sa Ms. AMA Computer College noong nasa kolehiyo pa siya taong 1995.