• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang nakapansin sa kapogian ng ‘forever’ ni Alice Dixson.

TINGNAN: Alice Dixson ipinakilala ang ama ng kanyang ‘miracle baby’

Marami ang nakapansin sa kapogian ng ‘forever’ ni Alice Dixson.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2021 02:29 PM
TINGNAN: Alice Dixson ipinakilala ang ama ng kanyang ‘miracle baby’
Photo Credit: @alicedixson Instagram

Ipinakilala ni Alice Dixson sa unang pagkakataon ang kanyang partner at ama ng kanyang “miracle baby.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


 

Sa isang litrato na ibinahagi ng 53-anyos na aktres sa Instagram, makikitang nag-eenjoy ito sa beach na may kasama na tinawag niyang “papa.” 

“Monday mornings be like…,” saad ni Alice sa caption ng kanyang post, sabay tawag na “Mama & Papa” sa kanilang dalawa. Tinawag ding “My forever” ni Alice ang kanyang partner.  

READ: Alice Dixson arrives in the Philippines with her baby

Bagama’t hindi ipinakita ang buong mukha ng kanyang partner, marami ang nagsabi na “gwapo” umano ito base sa kanyang ibinahaging litrato. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

 

Sa isang panayam sa King of Talk na si Boy Abunda noong 2017, sinabi ni Alice na apat na taon na sila ng kanyang partner noon. 

Naging usap-usapang ang pagkakaroon ni Alice sa edad na 51. Tinawag niyang “miracle baby” ang kanyang anak.