• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas pinaigting na pag-iingat sa staff at mga kandidata ang priority ng Miss Universe Philippines.

Miss Universe PH coronation night postponed

Mas pinaigting na pag-iingat sa staff at mga kandidata ang priority ng Miss Universe Philippines.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/20/2021 02:39 PM
Miss Universe PH coronation night postponed
Photo Credit: @rabiyamateo Instagram

Kasabay ng pag-arangkada sa paghahanda ng mga kandidata ng batch 2021 Miss Universe Philippines, ilang pagbabago sa petsa ng pageant activities ang inanunsyo ng Miss Universe Philippines.

Bilang pag-iingat sa mga kandidata at mga staff ng produksyon, mas pinaigting pa ng Miss Universe Philippines ang health and safety protocols na pasok sa pamantayan ng Inter Agency Task Force o IATF.

“Mounting a safe pageant for all our stakeholders is our number one priority today. This is why we enhanced, even more, all of our safety protocols given our current situation,” pahayag ng MUPh sa kanilang Facebook post.


Sa isang bahagi ng Facebook post, inilatag rin ng mga namumuno sa Miss Universe Philippines ang mga bagong araw ng pageant activities na inaabangan ng maraming pageant fans kabilang na ang coronation night na gaganapin sana ngayong September 25.

“Given this, please be advised of the new dates for the pre-pageant activities, preliminaries, and the voting period:

September 23 - National Costume (YouTube)

September 24 - Preliminary Interviews (KTX.ph)

September 26 - Preliminary Swimsuit and Evening Gown (KTX.ph)

September 29 - Last day of Lazada voting

To be announced soon - Coronation.”

Humingi rin ng pang-unawa ang Miss Universe Philippines sa mga ticket holder ng KTX.ph kung saan mapapanood ang mga pageant activities ng Miss Universe Philippines.

“For our valued KTX subscribers, your subscriptions will be valid for these new release dates. We will announce the final date of the pageant as soon as we get the final approval from IATF for our enhanced plans for the finals. Rest assured that once we receive the final go signal, you will be the first to know. Don’t worry the finals will be just a few days away,” pahayag ng pageant organizers.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa Clark, Angeles City Pampanga ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines.

Si Rabiya Mateo ang reigning Miss Universe Philippines na inaasahang magpapasa ng korona sa susunod na pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe Pageant na gaganapin ngayong December sa Eilat, Israel.

RELATED ARTICLE: Israel to host 70th Miss Universe pageant