• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinawag din ni Shara Chavez na walang kwentang ama umano si Jovit Baldivino.

Shara Chavez bumanat kay Jovit Baldivino: ‘Hindi ka naman nagsustento’

Tinawag din ni Shara Chavez na walang kwentang ama umano si Jovit Baldivino.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/02/2021 03:54 PM
Shara Chavez bumanat kay Jovit Baldivino: ‘Hindi ka naman nagsustento’

Kasunod ng naging pahayag ni Jovit Baldivino tungkol kay Shara Chavez, naglabas naman ng kanyang saloobin tungkol sa isyu ang dati nitong girlfriend. 

Sa isang Facebook post, binanatan ni Shara si Jovit dahil umano sa ginawang panggagatong ng singer sa isyung pang-sascam na kinasungkutan umano ng kumpanya ng cosmetics brand owner. 

“Mr. Jovit Baldivino, ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon. E bakit parang magsalita ka ngayon alam mo ‘yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam-alam. Labas ka na sana pero nilagay mo issue pabalik sa ‘yo,” ani Shara. 


Ani Shara, tila ginagamit umano ni Jovit ang anak nito para magkaroon ng gig. Binanatan din ni Shara si Jovit dahil hindi umano ito nanghingi ng kahit na anong sustento para sa kanilang anak. 

“Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba ‘to na baka magkakagig ka? Di ka pa rin nagbabago. Paano ba malalaman eh limang taon na nabubuhay ang anak ko. Hindi ka naman nagsustento. Never kitang hiningan kasi kaya ko,” saad ni Shara. 

READ: Jovit Baldivino wants to get his child from his ex-girlfriend

Isiniwalat din ni Shara ang umano’y ginawang pang-sascam ni Jovit sa ilang fans kung saan ginamit din umano nito ang kanilang anak. 

“Kung may scammer sa ating dalawa, baka ikaw ‘yun. Baka nga budol ka pa. 
Tanda ko nung birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang fan para may gastos kuno sa birthday niya. Ginamit mo pa picture namin [na nasa] hotel kami. Kunyari ikaw ang gumastos eh sa totoo wala naman,” ani Shara.

“Nananahimik ako, wala [akong] pakialam. Busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman. Manginig ka kahit konti. Kabahan [ka] sa sinasabi [mo] please,” ani Shara. 

Samantala. sinabi din ni Shara na wala umanong karapatan si Jovit sa kanilang anak kaugnay sa sinabi ng Pilipinas Got Talent grand winner na gusto nitong bawiin ang kanilang anak. 

“Ako ang nagpalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody niya dahil wala ka pa rin kwentang ama. Kagaya ng sinabi ko noon, uulitin ko ulit ngayon kung may kikilalain siya ama, wag kang mag-alala, hindi ikaw ‘yun,” ani Shara. 

READ: Jovit Baldivino’s ex-girlfriend finds new love

Sinabi din ni Shara na hindi sana ay hindi na umano idamay ang kanilang anak. 

“Hindi ako interesado sa mga opinyon mo about sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Pero para i-drag mo dito ang anak ko at magpaawa kunwari mabuting ama. Ibang usapin ‘yun,” ani Shara. 

Tingnan ang post sa ibaba: 

Shara Chavez bumanat kay Jovit Baldivino na hindi naman nagsustento

2016 nang ipinanganak ang anak nina Jovit at Shara. Makalipas ang isang taon, nagdesisyon na maghiwalay ang dalawa.