• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Instagram, masayang ibinahagi ng aktres na si Julia Montes na nakapasok siya sa dean’s list ng kanyang paaralan.

Julia Montes, dean’s lister sa kanyang school

Sa Instagram, masayang ibinahagi ng aktres na si Julia Montes na nakapasok siya sa dean’s list ng kanyang paaralan.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/02/2021 08:50 AM
Julia Montes, dean’s lister sa kanyang school
Photo Credit: @montesjulia08 Instagram

Hindi lang magaling na aktres kundi matalinong estudyante rin si Julia Montes.

Sa Instagram noong Miyerkoles, Setyembre 1, masayang ibinahagi ni Julia na nakapasok siya sa dean's list ng kanyang paaralan. 

Kasalukuyang nag-aaral ng Business Administration Major in Marketing Management ang aktres sa Southville International School and Colleges.


 

 

Sa kanyang caption, puno ng pasasalamat ang aktres dahil sa kabila ng kanyang busy work schedule ay hindi ito naging hadlang para makakuha siya ng mataas na marka sa eskwelahan.

"Gusto ko lang po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay Niya sa akin na nakakapag-aral po 'ko habang nagtratrabaho... Thank you sa family ko, sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin dahil kayo po ang inspiration ko para matupad lahat ng dreams ko. Thank you, God," aniya.

Kabilang sa mga nagkomento at humanga sa galing ni Julia ay sina Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, John Prats, Maxene Magalona, Melissa Ricks, at Isabel Oli.

Setyembre noong nakaraang taon sa gitna nang pandemya nang nagdesisyon si Julia na bumalik sa pag-aaral.

Sa kanyang post, sinabi ng aktres: "This is how I turn a crisis into an opportunity, doing things I've always wanted now that I have the luxury of time."

BASAHIN: Julia Montes reveals why she decided to go back to school

Kasalukuyang napapanood si Julia, 26, sa sikat na ABS-CBN action-series na FPJ's Ang Probinsyano.

Gumaganap siya bilang si Mara, ang pinakabago at huling leading lady ng kanyang napapabalitang nobyo at bida ng teleserye na si Coco Martin. 

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.