• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasal na si Mark Herras sa fiancée nitong si Nicole Donesa.

Mark Herras, kinasal na

Kasal na si Mark Herras sa fiancée nitong si Nicole Donesa.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/19/2021 04:20 PM
Mark Herras, kinasal na
Photo credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

Kinasal na ang aktor na si Mark Herras sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa. 

Sa kani-kanilang mga Instagram accounts, kinumpirma ng dalawa na kinasal sila nitong buwan lamang.

Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City mismo ang nanguna sa civil wedding ceremony ng mag-asawa nitong ika-8 ng Setyembre. 


"Got married," ani Mark na sabay pang tinawag pa na “Mrs. Herras” ang kanyang misis.

“We tied the knot,” saad naman ni Nicole sa caption ng kanyang post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Samantala, ipinaliwanag naman ng dalawa ang kanilang desisyon na magpakasal at sinabing kaya nila ito ginawa upang maging ligal ang kanilang pagsasama. 

Dagdag pa ng dalawa, para rin umano sa anak nila na si Corky. 

Bagama’t civil wedding ceremony pa lamang ang kanilang kasal, balak pa rin umano nilang magkaroon ng kasalan sa simbahan kapag mas maayos na umano ang sitwasyon. 

“We're saving the big celebration for the Church wedding. We just don't know when. It will happen," ani Nicole sa nasabing vlog. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Hunyo noong nakaraang taon nang ma-engage sina Mark at Nicole. Pebrero naman nang sinalubong nila si Corky sa kanilang buhay. 

LOOK: Maternity shoot of Mark Herras’ girlfriend

Si Mark Herras ay kilala sa iba’t-ibang papel na ginampanan niya. 

Maliban sa pagiging aktres, kilala din si Nicole sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas noong 2013 at Miss World Philippines naman noong 2014.