• Home
  • Fresh Scoops
  • Instead of JaDine, Marco Gallo and Aubrey Caraan are starring in Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’

Darryl Yap explains why JaDine was replaced in ‘Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’

Instead of JaDine, Marco Gallo and Aubrey Caraan are starring in Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/18/2021 07:28 PM
Darryl Yap explains why JaDine was replaced in ‘Ang Manananggal na Nahahati ang Puso’
Photo Credit: @direkdarrylyap on Instagram and @CinemaBravo on Facebook

Originally, para sana kina James Reid at Nadine Lustre ang pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, pero hindi ito natuloy. Pangalawang movie dapat ito ni Direk Darryl Yap noon sa Viva Films after Jowable pero dahil nagkaroon ng konting problema si Nadine sa kanyang management kaya ibinigay ang project sa ibang cast. 

Ang Viva ang nagrekomend kay Direk Darryl na palitan ang JaDine ng bagong love team nina Marco Gallo at Aubrey Caraan. Si Marco ay dating Pinoy Big Brother housemate at si Aubrey naman ay dating Pinoy Dream Academy finalist. Parehong napapanood ang dalawang programa sa ABS-CBN. 

I was looking for someone who has the Nadine Lustre wavelength, and when I saw Aubrey sa performance in one song in all the music videos of Pop Girls (dating grupo nina Aubrey at Nadine), nakita ko na may vibe na ganun. 


Tinanong ko na agad si Chad Kinis (isa sa cast ng Manananggal), sabi ko, ‘Okay ba itong Aubrey?’ Ang unang sagot sa akin ni Chad, ‘Napakabait na bata niyan.’ Ang sabi ko, ‘Hindi naman ako naghahanap ng mabait. Ang itinatanong ko, okay ba siya, marunong ba siya?’ 

Sabi ni Chad, ‘Ay, oo. Hindi na pag-uusapan yon. Marunong umarte, marunong kumanta, marunong sumayaw.’  Kahit hindi nga ako kumbinsido, I need to look at this person. 

So, this is the moment where I say sorry to Aubrey and Marco for being scheming when I actually, nung tinitingnan ko si Marco, tinitingnan ko kung meron ba siyang James Reid, may ganoon ako, because I wrote it for those two,” kwento ng kontrobersyal na direktor sa PUSH habang ikina-cast niya noon sina Marco at Aubrey sa Manananggal. 

READ: Darryl Yap kinikilig kapag sinasabing may ‘Wenn Deramas vibe’ ang kanyang pelikula

Ayon pa kay Direk Darryl, makikita raw ang truthfulness  at sincerity sa bagong tambalan. 

Nu’ng nakita ko si Marco na meron, sabi ko, ‘Sige, game.’ Tapos napahiya ako sa sarili ko, kasi nu’ng silang dalawa na, they did not bring JaDine. Right on my face, they smashed my expectations and then they presented themselves as new love team which is very truthful, very realistic and very sincere,” pagmamalaki pa niya. 

Hindi naman tiyak maiiwasang ikumpara sina Marco at Aubrey sa JaDine at ini-expect na raw ito ng Manananggal director. 

Paliwanag niya,  “If you’re going to ask me when it comes to acting and delivery, when it comes to the truth that the artist is showing, Nadine is very sincere in acting and James is very raw

But if you give the chance to Aubrey and Marco, napakagaling po nila sa pelikulang ito. It made me not question why this was not originally made, I mean, the making of the movie was not originally made for those two actors (JaDine), yon pala nakatadhana para sa dalawang ito (Marco at Aubrey). 

It will be very unfair to compare these actors. But as an audience noong hindi pa po ako nagdidirek, I always have a fixation to work with the biggest stars. Alam ko maba-bash ako, pero napakahusay po ni Aubrey at saka ni Marco. 

It could have been a beautiful movie with Nadine and James, but I think landing with Aubrey and Marco, the movie is more than beautiful. The movie is truthful, the movie is truly an experience,” muling pagmamalaki ng direktor. 

READ:‘69+1’ director Darryl Yap reveals why he doesn’t believe in ‘Love Wins’

Ayon pa kay Direk Darryl, may time din daw na pagkatapos ng ilang eksena ng dalawa sa pelikula ay naiiyak siya. 

Paulit-ulit po ako habang katatapos pa lang ng eksena nilang dalawa, umiiyak ako. Sinasabi ko sa kanila na doon ko nakita kung paano ko gustong mangyari. Alam niyo, kapag masyado ng sikat yung mga artista, meron silang mga pasubali. Meron silang restrictions and doubts of the the things they have to say or they have to act

Ang dalawang ito ay matagal nang nauuhaw sa atensiyon at pagkakataong maipakita kung ano talaga sila bilang artista, unang bigay pa lang po, drone shot pa lang po, ibinigay na nila kahit napakalayo ng kamera

Hindi ko na nakikita ang JaDine sa Ang Manananggal. Nu’ng nagawa na ito nina Aubrey at Marco, I erased all my questions and told God that really, everything happens for a reason,” huling pahayag ni Direk Darryl sa PUSH.