• Home
  • Fresh Scoops
  • To offer a new experience sa mga fans ngayong may pandemiya ay pre-recorded and live digital concerts ang pinagkakaabalahan ng ilang mga celebrities ngayon

Artists who staged livestream concerts during the pandemic | Pushpins

To offer a new experience sa mga fans ngayong may pandemiya ay pre-recorded and live digital concerts ang pinagkakaabalahan ng ilang mga celebrities ngayon

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/18/2021 09:01 AM
Artists who staged livestream concerts during the pandemic | Pushpins
Photo credit: @supremo_dp, @praybeytbenjamin and @nadine

Dahil sa pandemic ay maraming activities ang hindi pwedeng gawin kasama ang maraming tao.

Isa na rito ang pagkakaroon at panonood ng concerts ng mga sikat na artists.

Kaya naman to offer a new experience sa mga fans ay pre-recorded and live digital concerts ang pinagkakaabalahan ng ilang mga celebrities ngayon.


Sinu-sino sila?

Let's find out.

Daniel Padilla

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Si Daniel Padilla ay nagkaroon ng two-hour digital concert noong October 11, 2020 na "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience."

Wala man live audience ay marami pa rin fans na natuwa dahil sa talentong ibinahagi ni Daniel. 

Magkahalong local at international covers ang kinanta ni Daniel, kabilang na rito ang Mr. Brightside, Abot Kamay, Mabagal, at Moon River na dedicated para kay Kathryn Bernardo.

Kasama sa mga nagperform ay ang banda ni Daniel na Jose Carlito, at ang aktor na si Ian Veneracion.

Regine Velasquez

Isa rin ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa mga nagkaroon ng digital concert.

Her digital concert was called "Freedom" and was originally scheduled for February 14 but was moved to February 28, 2021.

Ito ay dahil nagkaroon ng close contact ang singer sa isang COVID-19 positive, kaya kinailangan nitong mag-quarantine.

READ: ‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez, postponed

One of the highlights of the event was Regine's performance of On The Wings of Love.

Darren Espanto

Isang comeback digital concert ang naging regalo ni Darren sa kanyang fans noong June 19 and 20, 2021.

"Darren Home Run: The Comeback Concert" was initially scheduled for May 30 and 31 but was postponed as he was exposed to someone who tested positive for COVID-19.

READ: Darren Espanto’s comeback concert postponed

Isa sa mga ikinatuwa ng fans sa concert na ito ay ang kanyang performance ng kanyang single na Tama Na.

Kyle Echarri

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

Isang digital concert naman ang pinagkaabalahan ni Kyle bilang selebrasyon ng kanyang 18th birthday.

Kasabay ng kanyang "Kyle Digital Birthday Fan Con" event ay ang selebrasyon din ng kanyang ika-anim na taon sa showbiz industry.

Kasama sa mga special guests ni Kyle ay ang Gold Squad members na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.

Nadine Lustre

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Nadine Lustre's first solo digital concert was streamed last July 3, 2021.

Isang magical fantasy land ang konsepto ng digital concert ni Nadine na "Absolute Madness."

Ilan sa mga inawit ni Nadine ay mga kanta galing sa kanyang album na Wildest Dreams.

Vice Ganda

Isang digital concert din ang regalo ni Vice Ganda sa kanyang fans noong July 17 at 18, 2021.

Isa sa mga naging surprise guests ni Vice ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Anne Curtis. 

Ilan sa mga kinanta nila ay ang mga international songs na Stickwitu at Officially Missing You.

Ang "Gandemic: The VG-Tal" concert ay nagkaroon ng repeat at muling napanood ng fans noong August 14.

Panoorin ang Pushpins video na ito: 

Napanood niyo rin ba ang mga digital concerts na ito?