• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod kay Piolo Pascual, marami pa umanong talent ng ABS-CBN ang nais makatrabaho ng bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe.

Lovi Poe, nais makatrabaho sina Coco at Gerald, Anne at Kathryn

Bukod kay Piolo Pascual, marami pa umanong talent ng ABS-CBN ang nais makatrabaho ng bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/17/2021 09:08 AM
Lovi Poe, nais makatrabaho sina Coco at Gerald, Anne at Kathryn
Photo Credit: @cocomartin_ph, @bernardokath, @lovipoe, @annecurtissmith and @andersongeraldjr Instagram

Masaya at puno ng pasasalamat ang aktres na si Lovi Poe matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata sa bago niyang network na ABS-CBN. 

Sa isang virtual media conference nitong Miyerkoles, Setyembre 16, ibinahagi ni Lovi ang saya ngayong isa na siyang ganap na Kapamilya.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

"I have butterflies in my stomach. Talagang iba 'yung pakiramdam ko nung unang tumapak ako dito. Of course, I've been here before, I've done guestings and visited in the past. But iba 'yung tumapak ako dito bilang isang Kapamilya. And I'm just very, very grateful po sa lahat ng nag-welcome sa akin today and made me feel like home," aniya.

Patuloy niya, “When I stepped out of the car, nakita ko sila Ms. Cory (Vidanes), Sir Carlo (Katigbak), Sir Deo (Endrinal) and everybody. I felt like it wasn’t real. It felt like such a dream. 'Yung pag-welcome nila sa akin, I can’t even explain it. The moment I walked in, I just really felt the love. You know how I felt nervous in the beginning? I suddenly felt at home."

Pag-amin ni Lovi, hindi naging madali ang desisyon niyang umalis sa GMA, na home network niya nang higit 15 taon, para lumipat sa ABS-CBN.

"Of course, I'm going to be very completely honest. It wasn't an easy decision. It was one of the toughest things I've ever had to do. Because I've been with GMA for 15 years, and for 15 years, they took care of me too and they've been good to me and I have nothing but good words and respect. There's no other way than to be grateful," aniya.

"So it was tough, but I'm here to celebrate my new home too, and my new family. And I'm just really blessed that I have a lot of people who actually believe in me. This whole room of amazing people. I'm just glad that they've welcomed me with open arms," dagdag pa niya.

Para sa kanyang unang proyekto bilang isang Kapamilya, makakatambal ni Lovi si Piolo Pascual sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama na Flower of Evil.

BASAHIN: Piolo Pascual and Lovi Poe to star in PH remake of Korean drama ‘Flower of Evil’

Ayon kay Lovi, "dream come true" para sa kanya ang makatrabaho si Piolo.

"Oh my God. Nung unang sinabi nila sa akin na I'll be working with Mr. Piolo Pascual, I was really excited and talagang sabi ko, oh my God, this like such a dream come true. I've been wanting to work with him... I'm just glad because they're trusting me with such an amazing project and of course, na makakapareha ko pa si Mr. Piolo Pascual," aniya.

Bukod kay Piolo, marami pa umanong Kapamilya leading men ang nais makatrabaho ni Lovi.

"Of course, Mr. Coco Martin, Gerald (Anderson), Zanjoe (Marudo) again—I've worked with Zanjoe before—and JM de Guzman. I've worked with Carlo Aquino and I would love to work with him again as well. Ang dami, eh. There's just to many to mention na gusto kong makatrabaho," aniya.

Game din umano siyang makatrabahong muli ang kanyang dating nobyo na si Jake Cuenca.

"Oh yes, definitely! I would love to work with him. He's really one talented actor so definitely," aniya.

Pagdidiin ni Lovi, hindi lamang mga aktor ng ABS-CBN ang nais niyang makasama sa proyekto kundi maging ang mga "heartthrob women" nito.

"Of course, I want to work with Anne (Curtis). I want to work with Kim (Chiu). I would love to work with Liza (Soberano), Kathryn (Bernardo)... I can go on. You know what? Everyone. Honestly. I don't want to leave out anybody because I want to work with everyone. With Janine (Gutierrez) as well!" sabi niya. 

Nakatakdang mapanood sa ASAP Natin To si Lovi itong darating na Linggo, Setyembre 19.