• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Herras, inaming maraming gustong mag-abot ng tulong na tila may ibang pakay.

Mark Herras dinagsa ng indecent proposal pagkatapos mangutang ng P30K sa dating manager

Mark Herras, inaming maraming gustong mag-abot ng tulong na tila may ibang pakay.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/15/2021 11:24 AM
Mark Herras dinagsa ng indecent proposal pagkatapos mangutang ng P30K sa dating manager
Photo Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram

May reaksyon na si Mark Herras sa ibinulgar ng dati niyang talent manager na si Lolit na inutangan siya nito noon ng halagang P30,000. Ayon kay Manay Lolit, nanghiram si Mark ng pera sa kanya para ipambili ng gatas ng kanyang anak na si Baby Corky at iba pang mga pangangailangan.

Si Baby Corky na seven-months-old pa lamang ang panganay niyang anak sa live-in partner na si Nicole Donesa.

Matagal ding nanahimik si Mark sa isyu pero sa kanyang bagong YouTube vlog  ay nagbigay na siya ng ilang detalye tungkol sa nangyari.


READ: Mark Herras and fiancée Nicole Donesa share first family photo

Sa naturang  vlog ay sumabak si Mark sa “Sagot o Lagot” challenge kasama ang kaibigang si Eric Fructuoso kung saan pipili sila kung sasagutin ang tanong o iinom ng suka bilang consequence.

Isa sa mga naitanong sa dancer/actor ay kung magkano ang laman ng kanyang bank account.

“Mga P30K siguro. Inom na lang ako (ng suka) para walang issue,” pabiro at natatawa niyang reaksyon.

Sa sumunod na pahayag ni Mark ay bahagya na siyang naging seryoso

“Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko,” pahayag niya.

READ: Mark Herras kinalasan ng talent manager na Lolit Solis dahil sa pangungutang ng P30K

Inamin din ni Mark na nung kasagsagan ng P30K issue sa kanila ni Manay Lolit ay marami ang nag-offer sa kanya ng tulong. Kabilang na raw dito ang ibang indecent proposal.

“Hindi naman to the point na indecent, ah. Medyo disente pa naman. Pero I think it’s going there,” kuwento niya.

Patuloy ni Mark, “Before, may nag-i-invite for a date nga lang, eh, pero LGBT (bading), so, mga ganu’n. Tapos siyempre, nu’ng nangyari yung recent issue, ang daming nag-DM (direct message) sa akin na mga LGBT, ‘Hi, Mark. Hi, I can help.’

“I’m not judging them, pero basically, maganda naman yung thought. I think medyo in-assume ko lang na papunta du’n.

“Pero, so far, wala pa naman akong natanggap na rekta, na talagang, ‘Mark, bigyan kitang pera…’ Wala, wala pa namang ganu’n,” sabi pa niya.

Matatandaang ang panghihiram ng pera ni Mark sa veteran writer at talent manager ang dahilan para bitiwan ni Manay Lolit ang dating alaga. Wika pa nito, mas okey na hindi na lang niya i-manage si Mark para hindi na siya makabawas ng komisyon sa talent fee na kikitain nito.