• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling ni John Arcilla na marami ang mamumulat at maliliwanagan matapos panoorin ang pelikulang ‘On The Job: Missing 8’, kung saan tinatalakay ang korapsyon at media censorship.

John Arcilla, may paalala para sa darating na eleksyon

Hiling ni John Arcilla na marami ang mamumulat at maliliwanagan matapos panoorin ang pelikulang ‘On The Job: Missing 8’, kung saan tinatalakay ang korapsyon at media censorship.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/15/2021 09:50 AM
John Arcilla, may paalala para sa darating na eleksyon
Photo Credit: @johnarcilla Instagram

Hiling ni John Arcilla na marami ang mamumulat at maliliwanagan matapos panoorin ang pelikulang On The Job: Missing 8, kung saan tinatalakay ang korapsyon at media censorship.

Sa pelikula, gumanap ang aktor bilang isang corrupt journalist na kinwestiyon ang kanyang katapatan sa isang politician matapos ang biglang pagkawala ng kanyang mga kasamahan.

Dahil sa kanyang pagganap bilang si Sisoy sa Erik Matti film, gumawa ng kasaysayan ang aktor bilang kauna-unahang SouthEast Asian artist na nanalo bilang best actor sa presitihiyosong Venice Film Festival noong nakaraang linggo.


"[I hope] it can enlighten some people’s minds and can open some people’s eyes. Because if you’re not going do something about such crimes and crisis in our society, this will not just stay, this will worsen," ani John sa panayam ng ABS-CBN News.

“If people will be enlightened because of this film, sana ay may gawin din ‘yung tao, hindi lang basta imulat ‘yung mata," dagdag niya.

Ayon kay John, isa sa mga maaari nilang gawin ay bumoto sa darating na 2022 elections.

Hinimok niya ang mga kapwa botante na bumoto sa lider na tapat at uunahin ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino.

“Ang kailangan nating lider na mapili, iyong magsasakripisyo para sa bayan, iyong tuturuan talaga ang mamamayan na, ‘Ito ang ating karapatan.’ We have to educate our people, at bigyan sila ng dignidad," aniya.

“Iyong leader na hindi mangungurakot," patuloy niya. "Magtitiis, hindi magpapayaman. Uunahin talaga ‘yung kapakanan ng mamamayang Pilipino. ‘Ito ang inyong karapatan, ito ang dapat niyong marating.'"

BASAHIN: John Arcilla hailed as Best Actor at 78th Venice Film Festival

Hinikayat din niya ang mga kapwa Pilipino na mas maging mas mapanuri at matalino sa pagboto.

“Sana bumalik ‘yung mga bagay na natutunan natin noong tumindig tayo bilang isang bansa nang mga nakaraang panahon,” aniya.

“Ang dapat malaman ng Pilipino — ang nakaupo ay tagapaglingkod, hindi hari, hindi amo."

Ayon pa kay John, na kilala rin sa kanyang pagganap bilang si Heneral Luna, naniniwala siya na hindi lamang simpleng entertainer ang mga aktor at artista tulad niya. 

"We can also be catalysts for change. I believe actors and artists can transform a society,” ani John.

Patuloy niya: “Every time I step on stage, I always say, ‘This is for the Filipino people. I wish can touch some broken hearts, I can heal some lost souls by doing this role.’ I’ve had that mantra since I started acting.

“Because I believe that we entertain, but at the same time, we should also enlighten, and people should learn something from the stories they’re watching," sabi pa niya.