• Home
  • Fresh Scoops
  • Together again para sa isang photoshoot ang magagandang candidates ng Miss Universe Philippines 2020.

TINGNAN: 2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot

Together again para sa isang photoshoot ang magagandang candidates ng Miss Universe Philippines 2020.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/14/2021 04:15 PM
TINGNAN: 2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot
Photo Credit: @missuniverseph Instagram

Makalipas ang halos isang taon, nagsama-sama muli ang magagandang dilag ng batch 2020 ng Miss Universe Philippines na sina MUP 4th runner up Billie Hakenson, MUP 3rd runner up Pauline Amelinckx, MUP 2nd runner up Michelle Gumabao, MUP 1st runner up Bella Ysmael, at Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

 

 

Makulay at naguumapaw na kaseksihan ang naging eksena sa naging photoshoot kung saan tampok ang iba’t ibang jeepney signage na simisimbolo sa Pilipinas.

2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot, 4th runner up Billie Hakenson

2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot, 3rd runner up Pauline Amelinckx

2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot, 2nd runner up Michelle Gumabao

2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot, 1st runner up Bella Ysmael

2020 Miss Universe PH, united sa photoshoot, Miss Universe Philippines Rabiya Mateo

Photo Credit: @missuniverseph Instagram

Oktubre ng 2020 nang koronahan ang unang Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo na nagmula sa Iloilo.

READ: Iloilo’s Rabiya Mateo crowned Miss Universe Philippines 2020

Si Eabiya rin ang naging pambato ng Pilipinas sa naganap na Miss Universe 2020 sa Florida, USA kung saan kinoronahan si Andrea Meza ng Mexico.

Ang photoshoot nang limang former Miss Universe Philippines ay tila paghahanda na rin para sa nalalapit na 2021 Miss Universe Philippines kung saan ipapasa na ni Rabiya Mateo ang kaniyang titulo para sa susunod na Miss Universe Philippines na inaasahang lalaban sa bansang Israel sa darating na Disyembre.

Sa darating na ika-26 ng Setyembre, kikilalanin na ang 2021 Miss Universe Philippines na mapapanood live telecast sa KTX.ph.