• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang condo unit na aniya ay kanyang ‘secret hideout.’

Kim Chiu, ipinasilip ang kanyang ‘secret hideout’

Ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang condo unit na aniya ay kanyang ‘secret hideout.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/14/2021 03:19 PM
Kim Chiu, ipinasilip ang kanyang ‘secret hideout’
Screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang condo unit na aniya ay kanyang "secret hideout."

Sa kaniyang pinakabagong vlog, ipinakita ng aktres ang mga bahagi ng kanyang property kung saan umano siya tumatambay kapag gusto niyang mapag-isa.


"Sobrang liit lang ng lugar na 'to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa rito. Dito ako nagmumuni-muni. Gusto ko ng home away from home, so ito 'yung lugar na 'yun," ani Kim.

"Ako lang talaga mag-isa dito. Ako naglilinis. As an independent girl ako rito. Wala si sissy Kam, though sometimes nandito siya. Wala 'yung mga angels ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng [alone time]," dagdag niya.

Ilan sa mga ipinakita ng aktres sa kanyang vlog ay ang kusina, living area, at bathroom ng kanyang condo.

"Now ko lang talaga 'to pina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas 'yung pagtambay ko rito. So gusto ko namang maganda, maayos, malinis," pagbabahagi ni Kim.

Ipinaliwanag din ng aktres kung bakit naisipan niyang bumili ng condo unit kahit na may bahay na siya.

"Ngayong quarantine kasi parang pina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa 'yo," ani Kim, na nabili umano ang kanyang property noong 2015 pa.

Patuloy ng aktres: "Kasi ito nakuha ko lang 'to dahil may konti akong natabing ipon, and then inisip ko kung saan ko 'yun gagastusin. May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So kahit maliit lang siya, tutubo rin naman 'yun. So kaysa bumili ng mga car na magde-depreciate din ng konti, might as well buy something for yourself that one day you'll be really proud of. And proud naman ako dito sa aking small space." 

BASAHIN: Kim Chiu, sinagot ang isyu na tatanggalin na siya sa ‘It’s Showtime’

Sa ngayon ay higit sa 319,000 na ang nanood ng kanyang condo tour.

Napapanood si Kim bilang host sa It's Showtime araw-araw sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV, at iflix.