• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Hoy Love You Two’ director Ted Boborol talks about directing his latest love team onscreen in the latest iWantTV series.

Director Theodore Boborol explains why Joross Gamboa and Roxanne Guinoo are ‘magagaling na artista’

‘Hoy Love You Two’ director Ted Boborol talks about directing his latest love team onscreen in the latest iWantTV series.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

09/14/2021 10:51 AM
Director Theodore Boborol explains why Joross Gamboa and Roxanne Guinoo are ‘magagaling na artista’
Photo Credit: @theodoreboborol Instagram

As his original iWantTV series Hoy Love You entered its second season this month, director Ted Boborol revealed what he thinks is the secret to their show’s success.

“I think we found the right cast. Sobrang ang daming pinagdaanan ng show na ito in terms of casting. Pero at the end of the day, nung season one, kung sino yung final cast, parang kung ano yung fate or tinadhana ni Lord, yun yung tama. Sakto. Tapos walang pasaway, walang diva sa cast. Pag comedy kasi at sitcom, lumalabas pag stressed kayo eh, pag sobrang tensyunado sa set lumalabas kaya ako as a director hindi ako masyado intrusive. Hinahayaan ko sila, to let them be na basta alam mo yung character mo. Kasi comedy eh, kailangan relaxed, kailangan kalma, kailangan pro-active sila. Kailangan ibigay mo sa kanila yung passion na kahit ako aalagaan ko itong show na ‘to, sisiguraduhin ko na nakakatawa ito,” he explained.

READ: JoRox Forever: ‘SCQ’ alums Joross Gamboa, Roxanne Guinoo reunite on a new project


For the new season, direk Ted said lead actor Joross Gamboa had a lot of input in the premiere episode of the show.

“Si Joross nag-be-brainstorm sa creatives for season two. Yung plot na mangyayari sa episode one na nanagyari sa character ni Charles, kay Joross nanggaling yun. May aksidente kasi na mangyayari at may revelation but kung ano man yung kabalastugan na nangyari kay Charles, si Joross yung may pakana nun. So siguro aside from we have the best staff in the world, yung mga actors they’re very pro-active and very passionate to make sure that the show will be a well-made one,” he shared.

READ: EXCLUSIVE: Director Theodore Boborol on comparison with Cathy Garcia-Molina: 'Siya yung totoong romcom queen'

When he initially found out about the show’s second season, the kapamilya director revealed his honest reaction.

“Ang totoo ako surprised ako kasi rarely lang may season two sa mga series sa iWantTFC. Kung tama ako, Bagman lang yung may season two. At saka hindi yun comedy. So the fact na may season two na comedy sa iWantTFC, it’s such a pleasant surprise and at the same time sobrang blessing siya for us lalo pa’t mahirap yung paghahanpbuhay sa showbiz ngayon dahil pandemic, wala kaming franchise sa ABS-CBN. So this has really been such a blessing for us.

“Sobra akong na-excite nung nalaman ko na magkakaroon ng season two. Gusto ko lang naman magbigay ng saya sa mga tao especially ngayon na pandemic. Times two yung fun and love ngayong season two kasi mas maraming cast tapos nakatira na sila sa iisang bahay so yung blended family nila ay mas lalong riot. Na-e-experience nila yung problems ng isang mag-asawa at pagkakaroon ng mga stepchildren,” he said.

READ: Director Ted Boborol on real life Iska’s reaction to the movie: ‘Umiyak siya’

Now that he has brought back the Jorox love team of lead stars Joross Gamboa and Roxanne Guinoo, direk Ted refused to take any credit for their continued onscreen chemistry despite not being a love team for more than a decade and a half.

“Wala naman ako formula. Siguro I’m blessed na sila Joross at Roxanne ay magagaling na mga artista kaya kung ano yung characters napag-aralan talaga nilang mabuti. At dahil magaling silang artista kaya nilang mag-improv kahit wala sa script kasi alam nila yung character nila, kayang kaya nilang sakyan kung merong mag-a-adlib na isa. Yun siguro ko yung pinaka suwerte ko as a director kasi I have two leads na magagaling na artista,” he said.

While doing lock-in taping for the series, direk Ted said there were both good and challenging sides to being stuck in one location bubble. “Masaya siya. May mga advantages and disadvantages. Siyempre disadvantage yung ma-mi-miss mo yung family mo, ma-mi-miss mo kung sino yung kasama mo sa bahay. Pero ang pinaka advantage niya is mas nagiging close kayo ng cast, mas nalalaman niyo yung bawat personal stories ng isa’t isa. And siguro as a director dahil alam mo yung personal stories nila mas makakahugot ka kung paano sila i-motivate. At the same time walang ma-le-late. Andun na kayo sa set so imposibleng may ma-late, imposibleng may pasaway kasi kung pasaway ka siyempre yung lahat magagalit sa ‘yo sa buong lock-in. So masaya ako na nagiging close talaga lahat so yun yung pinaka advantage nun,” he added.