• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila hiningi na ni Derek Ramsay ang kamay ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna sa ina nito na si Meriam Go.

TINGNAN: Derek Ramsay, namanhikan na sa ina ni Ellen Adarna?

Tila hiningi na ni Derek Ramsay ang kamay ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna sa ina nito na si Meriam Go.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/13/2021 02:53 PM
TINGNAN: Derek Ramsay, namanhikan na sa ina ni Ellen Adarna?
Photo Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Tila hiningi na ni Derek Ramsay ang kamay ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna sa ina nito. 

Nangyari umano ang "pamamanhikan" sa Siargao kung saan sa wakas ay nag-meet na ang kani-kanilang mga magulang. 

Sa Instagram Stories, nag-post si Ellen ng video kung saan makikitang masayang nagba-bonding ang kanilang mga ina na si Remedios Ramsay at Meriam Go-Adarna.


Agad naman itong ni-repost ni Derek sa kanyang Stories, kasama ang hashtag na #mamanhikan.

Derek Ramsay, namanhikan na sa ina ni Ellen Adarna Instagram Story

Base sa iba pang posts ni Ellen, kasama rin sa bakasyon ang kanyang anak na si Elias at iba pang mga kaanak.

 

 

Marso nitong taon nang ginulat nina Ellen at Derek ang lahat nang ianunsiyo nilang sila ay engaged na, isang buwan lamang matapos nilang aminin ang kanilang relasyon sa publiko.

Bago ang kanilang engagement ay sinabi na ni Derek na naniniwala siyang si Ellen na ang "the one" para sa kanya.

Ayon naman kay Ellen, kahit kailan ay hindi niya pinangarap ang ikasal, ngunit nagbago ito nang makilala niya si Derek.

READ: Derek Ramsay and Ellen Adarna recall their first kiss

Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo ng dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Gayunpaman, nasabi na nila sa isang panayam na balak din nilang magpakasal ngayong taon.