• Home
  • Fresh Scoops
  • Ika nga, love is sweeter the second time around, at mukhang totoo ito para sa ilang celebrity couples who broke up but got back together again.

Celebrity couples na naghiwalay pero nagkabalikan din | Pushpins

Ika nga, love is sweeter the second time around, at mukhang totoo ito para sa ilang celebrity couples who broke up but got back together again.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/13/2021 09:49 PM
Celebrity couples na naghiwalay pero nagkabalikan din | Pushpins
Photo Credit: @planetumeboshi, @mercadojenny and @ mccoydeleon on Instagram

Second chances are rare in most cases, kaya naman ang iba, grateful sa pangalawang pagkakataon na naibibigay sa kanila.

Gaya na lang ng second chances pagdating sa pag-ibig.

Ika nga, love is sweeter the second time around, at mukhang totoo ito para sa ilang celebrity couples who broke up but got back together again.


 Sinu-sino sila?

Let's find out.

Elisse Joson and McCoy de Leon

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

/

 

Unang nagkakilala sina McCoy at Elisse bilang housemates sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2016.

Simula nito ay nabigyan sila ng projects together kasama na ang teleseryeng The Good Son.

Wala man diretsahang pag-amin mula sa dalawa ay kita naman ang sweetness nila sa isa't isa.

Their relationship went through a rough path by the end of 2018 na nakumpirma noong January 2019 nang mag-promote sila ng kanilang movie na Sakaling Maging Tayo.

Nitong 2021, inamin ni McCoy sa isang interview na muli silang nagkabalikan ni Elisse noong 2020, bago pa man ang pandemiya.

The couple celebrated their anniversary last July.

 

Melai Cantiveros and Jason Francisco

 

 

Nagsimulang magkamabutihan sina Melai at Jason noong pumasok sila bilang housemates sa Bahay ni Kuya noong 2009.

Ikinasal ang dalawa noong December 2013 sa Holy Cross Parish sa General Santos City. The next year ay ipinanganak naman ang panganay nilang si Amelia Lucille.

July 2016 nang magulat ang kanilang mga taga-suporta nang mag-post si Jason na hiwalay na sila ng asawang si Melai.

Setyembre ng taong din na 'yon ay inanunsyo ni Melai na nagkaayos na sila ni Jason. Dito ay ibinahagi rin nya na buntis siya sa pangalawang anak nila

April 2017 nang manganak si Melai at pinangalanan itong Stela Rosalind.

 

Jennyln Mercado and Dennis Trillo

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

 

Taong 2010 nang maging magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis.

The year after ay napabalitang break na ang dalawa.

Makalipas ang apat na taon ay muling silang nagkasama para sa isang project kung saan muli silang nagkamabutihan.

Sa isang interview ni Dennis noong 2015 ay sinabi nitong, "love is lovelier the second time around."

January nitong taon ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 7th anniversary bilang magkasintahan.

 

Meryll Soriano and Joem Bascon

 

 

Sina Meryll Soriano at Joem Bascon ay naging magkarelasyon noong 2008 nang magkasama sila sa teleseryeng I Love Betty La Fea.

Taong 2010 ng napagdesisyunan ni Meryll na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa London at kasabay nito ay ang desisyon nilang maghiwalay ni Joem.

2019 ay nabigyan ng pagkakataong muling magkatrabaho ang dalawa sa seryeng Starla at sa pelikulang Culion.

Sa pagsalubong ng 2020 ay umugong ang balitang nagkabalikan na ang dalawa ng makitang kasama si Joem sa New Year's Eve celebration ng pamilya ni Meryll.

January 2021 ay kinumpirma ni Meryll sa isang post na nagkabalikan na nga sila. Kasama sa post ay ang baby nila ni Joem.

 

Maja Salvador and Rambo Nuñez

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

 

Sa isang vlog, naikwento ni Maja na unang naging sila ni Rambo taong 2010. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay naghiwalay din ang dalawa.

Ayon kay Maja, walang naganap na third party at sadyang nangibabaw umano ang pagpili ng aktres sa kanyang career na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Valentine's Day ng 2019 nang mag-post si Maja ng isang letter kung saan nakasulat ang, "Thanks for being my Valentine again after 9 years."

Ilang araw matapos nito ay kinupirma ng aktres na nagkabalikan na sila ng dating boyfriend na si Rambo.

Happily in-love ngayon ang dalawa na nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary ngayong taon.

Tingnan ang mga sweet photos ng mga nabanggit na couples sa video na ito:

<>