• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilunsad ni Maricel Soriano ang kanyang YouTube channel kamakailan. 

PANOORIN: Maricel Soriano, nakaramdam ng nerbyos; inaming natakot na  baka walang manood sa kanyang YouTube channel

Inilunsad ni Maricel Soriano ang kanyang YouTube channel kamakailan. 

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/12/2021 06:24 PM
PANOORIN: Maricel Soriano, nakaramdam ng nerbyos; inaming natakot na  baka walang manood sa kanyang YouTube channel
Photo Credit to MARYA : The Maricel Soriano Channel YouTube Channel

Pinasok na rin ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano ang mundo ng vlogging nitong Biyernes, Setyembre 10.  

 

 

Sa nasabing vlog, sinabi ng batikang aktres na nagdesisyon siyang pasukin ang YouTube upang ibahagi ang iba’t-ibang aspeto ng kanyang buhay sa loob at labas ng showbiz.  

Ito na ang unang episode sa ating bagong tahanan! Kung saan ibabahagi ko sa inyo ang mga masasaya, maniningning, malulungkot, at makukulay na bahagi ng aking buhay,” ani Maricel.  

Ngunit inamin ni Maricel na nakaramdam siya ng nerbyos dahil sa posibilidad na wala umanong manood sa kanyang mga ilalabas na video.  

Nini-nerbyos ako sa first telecast natin. Meron kayang manonood? Alam ko ‘yung mga fans ko nandiyan, mahal nila ako, papanoorin nila ako. Pero paano natin ime-maintain ‘to? Hindi biro,” aniya.  

Watch: Maricel Soriano gives advice to fans | Push Bets Live

Pumasok din umano sa kanyang isipan na maaari siyang makatanggap ng pamba-bash lalo pa’t hindi naman umano lahat ng tao ay gusto siya.  

Siyempre maraming mangba-bash. Hindi naman lahat ng tao gusto ako. Paano kung hindi nila ako type? Paano na ‘to?” sambit pa niya.  

 

 

Ito umano ang unang beses na nakaramdam siya ng nerbyos sa buong karera niya bilang isang artista.  

First time ako ni-nerbyos. Hindi nga ako nini-nerbyos ‘pag nagshu-shooting ako. Hindi ako nininirbeyos ‘pag padamihan ng linya. Nako padamihan pala ng [subscribers] ‘to,” aniya.  

Watch: Maricel Soriano, ibinahagi ang work experience ngayong “new normal” | Push Bets Live

Dagdag pa niya: ”Baka naman hindi ako mag-click diyan ano ba’ sabi kong ganun. Siyempre matanda na ako. Siyempre hindi naman ako bagets. Mga bagets lang ngayon ang in. Paano naman ang 56 gaya ko?”  

Panoorin ang kauna-unahang vlog ni Maricel sa ibaba:  

Samantala, pinasalamatan din ni Maricel ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya at sinabing marami pang dapat abangan ang mga tagahanga nito sa mga susunod na episodes na ilalabas niya sa kanyang YouTube channel.  

Aniya: “Maraming salamat sa walang sawa niyong pagmamahal at pagsubaybay sa akin at sana huwag kayong bumitaw sa bawat episode dahil marami pa kayong aabangan at siguradong ikatutuwa ninyo!”