• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang namangha sa pagkakahawig ng lola ni Dominic Roque at ng aktres na si Bea Alonzo.

Bea Alonzo at lola ni Dominic Roque, kinaaliwan ang pagkakahawig

Marami ang namangha sa pagkakahawig ng lola ni Dominic Roque at ng aktres na si Bea Alonzo.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/12/2021 04:22 PM
Bea Alonzo at lola ni Dominic Roque, kinaaliwan ang pagkakahawig
Photo Credit: @dominicroque and @beaalonzo Instagram

Usap-usapan ng mga netizens ang pagkakahawig ni Bea Alonzo sa lola ng kanyang nobyo na si Dominic Roque. 

Hindi makapaniwala ang ilang netizens nang makita ang isang post kung saan ipinagtabi ang mga larawan ng lola ni Dominic na si Zeny Tamayo at ang aktres an si Bea Alonzo. 

"tisay X tisay. Napaka-gagandang dilag!" saad ng netizen sa caption ng kanyang post. 


 

 

“Hala magka mukha cla,” komento ng isang netizen. “Magkamukha sila,” ani pa ng isang netizen. 

“Grandma is so Btful. No wonder me hawig si Dom ke Bea. Malamang magkatuluyan cla,” sambit naman ng isang netizen. 

READ: CONFIRMED? Post ni Dominic Roque sa Tiktok, patunay na sila na ni Bea Alonzo?

Nitong Hunyo lamang, nagkita sina Bea at Nanay Zeny nang lumipad ang aktres patungong US kasama si Dominic upang magbakasyon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by beadom_143 (@beadom.143)

 

Mismong si Dominic naman ang nagbahagi ng larawan ng kanyang lola kasama si Bea. 

Si Zeny ay ina ng dating aktres na si Beth Tamayo.