• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang mga Filipino classics na gusto i-remake ni Director Roman Perez?

Director Roman Perez natakot sa controversial ending ng sariling pelikula na ‘The Housemaid’

Ano ang mga Filipino classics na gusto i-remake ni Director Roman Perez?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/11/2021 08:00 PM
Director Roman Perez natakot sa controversial ending ng sariling pelikula na ‘The Housemaid’

Samantala, si Direk Roman ang nasa likod ng erotic film na Adan (Rhen Escano at Cindy Miranda) at ng sexy thriller na Taya na pinagbibidahan naman nina AJ Raval at Sean de Guzman. Kahit identified sa ganitong genre ay balak pa rin niyang gumawa ng iba pang klase ng pelikula sa Viva. 

Kumbaga sa formula, yon ang branding ng Viva sa akin, eh. Ang Viva hindi naman natatakot bumali o mag experiment ng mga genres. Mula panahon ni Yam Laranas, Jon Red, Robert Quebral, mga Mowelfund icons, naniniwala sila sa mga filmmakers na barako na gagawa ng mga ganitong genres

Pero hindi naman po ako natatakot (ma-typecast) dahil kahit ano naman kaya natin gawin. Ang first film ko sa festival ay dark comedy,  ang Sol Searching. Kaya naman natin mag-comedy, kaya natin mag-action, kaya rin natin mag-drama,” deklara pa niya. 


Last time, noong meeting namin ni Boss Vic (del Rosario) and Boss Vincent sa Viva, sabi ko pangarap kong gawin ang mga remakes nina Brocka at Zialcita. Nag-pitch ako na gagawin ko yung Babangon Ako’t Dudurugin Kita kasi napapanahon next year election, national post. Tapos Gaano Kadalas Ang Minsan kung saan iconic film ito para sa Viva dahil isa ito sa mga unang pelikula na nagpasok talaga ng malaking kita sa kumpanya. 

“Higit sa lahat, iconic din ang Gaano Kadalas dahil sa kanyang genre, isa siya sa unang ganitong drama. Sana sa sinehan na next year kapag nagawa ko ang mga ito,” pagbabahagi pa niya sa PUSH

Read: Director Roman Perez on remaking the Korean film ‘The Housemaid’: ‘Hindi ko na talaga pinalagpas’

Ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita ay ipinalabas noong 1989. Bida sa Lino Brocka film sina Sharon Cuneta, Christopher de Leon, at Hilda Koronel. 

Taong 1982 naman ipinalabas ang Gaano Kadalas Ang Minsan ni Danny Zialcita na pinagbibidahan nina Vilma Santo, Dindo Fernando and again, Hilda Koronel.