• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakapagbenta umano si Heart Evangelista kamakailan ng painting na nagkakahalaga ng tatlong milyon piso.

Mga obrang ibinebenta ni Heart Evangelista, umaabot ng tatlong milyong piso ang halaga

Nakapagbenta umano si Heart Evangelista kamakailan ng painting na nagkakahalaga ng tatlong milyon piso.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/10/2021 03:05 PM
Mga obrang ibinebenta ni Heart Evangelista, umaabot ng tatlong milyong piso ang halaga
Photo credit: @iamhearte Instagram

Hindi maikakaila ang angking talento ng aktres na si Heart Evangelista pagdating sa pagpipinta kaya naman marami ang tumatangkilik sa mga obra nito. 

Ngunit magkano nga ba ang halaga ng mga ibinebentang paintings ni Heart? 


Sa panayam ni Heart sa broadcast journalist na si Karen Davila, ibinahagi nito na malaki ang kinikita niya mula sa kanyang pagpipinta. 

Ani Heart, karamihan sa mga binibili niya para sa kanyang sarili ay galing sa perang naipon niya mula sa kinikita niya sa pagpipinta. 

“A lot of my expenses come from my paintings because it started as ‘Don’t touch your savings, you can only spend your painting money,’” ani Heart. 

LOOK: Heart Evangelista took almost 2 years to complete this painting

Samantala, sinabi naman ni Heart na ang kanyang mga hand-painted bags ay nagkakahalaga ng 200,000 pesos. Pero dagdag ni Heart, pansamantala muna niyang itinigil nito. 

“But I stopped it because I want it to be limited edition,” pagbabahagi ni Heart. 

Nang tanungin kung magkano ang halagang madalas inaabot ng isang artwork niya, sinabi ni Heart na nakapagbenta siya kamakailan ng painting na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso. 

Panoorin ang vlog sa below: 

Samantala, mayroong painting si Heart na aniya’y maaaring umabot sa tatlong milyong dolyar o mahigit 149 milyong piso. 

Maibebenta umano ito sa ganitong halaga sa pamamagitan ng NFT o nun-fungible token na isa umano sa mga sikat ngayon sa mundo ng digital art. 

Hindi umano ito ibinebenta ni Heart sa ngayon. 

READ: ‘Proudly Filipino’: Heart Evangelista collaborates with Louis Vuitton for ‘Harana’ hand-painted bag

May ilan naman umanong sinisira ang orihinal na painting na binibili sa NFT para mas tumaas ang presyo ng digital painting.