• Home
  • Fresh Scoops
  • Twins are twice as nice, ika nga. Kaya naman kilalanin natin ang ilang mga kambal na magkapatid na parehong sumabak sa mundo ng entertainment.

Mga artistang kambal | Pushpins

Twins are twice as nice, ika nga. Kaya naman kilalanin natin ang ilang mga kambal na magkapatid na parehong sumabak sa mundo ng entertainment.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/10/2021 11:38 AM
Mga artistang kambal | Pushpins
Photo credit: @ richardgutz, @jaiagpangan, @fifthsolomon Instagram

Twins are twice as nice, ika nga. Kaya naman kilalanin natin ang ilang mga kambal na magkapatid na parehong sumabak sa mundo ng entertainment.

Ilan sa kanila ay mga anak ng mga sikat na artista. Mayroon din pumasok sa showbiz sa sarili nilang paraan.  

Sinu-sino ang mga ito?


Let's find out.

Raymond and Richard Gutierrez

Sina Raymond at Richard Gutierrez ay ang kambal na anak ng artistang sina Eddie Gutierrez at Anabelle Rama.

Si Richard ay naging Kapamilya noong 2017 at bumida sa teleseryeng La Luna Sangre.

Nakasama rin si Richard sa 2018 MMFF movie na Fantastica kasama si Vice Ganda.

Sa ngayon ay busy si Richard sa kanyang role bilang Lito sa FPJ's Ang Probinsyano.

Samantala, hosting naman ang pinagtuunang pansin ni Raymond.

Sa isang interview noong August ay proud na nag-come out bilang gay si Raymond, na sinuportahan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Mavy and Cassy Legaspi

Sina Mavy at Cassy Legaspi ay mga anak ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)

Taong 2018 ng parehas sumabak sa showbiz industry ang kambal.

Busy ngayon si Mavy sa role niya sa isang teleseryeng pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

Samantala, si Cassy naman ay kakatapos lang gampanan ang kanyang unang TV series. 

Parehas nag-aaral ng kolehiyo ang dalawa. Si Mavy ay kasalukuyang kumukuha ng Business Management course, samantalang Business Marketing course naman ang kay Cassy.

Joj and Jai Agpangan

Unang nakilala ng marami sina Joj and Jai Agpangan noong 2012 bilang housemates sa reality show na Pinoy Big Brother.

Sa pagtatapos ng PBB Teen Edition 4 ay itinanghal ang dalawa bilang 4th placer.

Matapos ang kanilang PBB stint ay naging parte ang dalawa ng teleseryeng Forevermore na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Parehas graduate ang kambal sa UP Los Baños na may Bachelor of Education Studies degree.

Fourth and Fifth Solomon

Pumasok din bilang Pinoy Big Brother housemates ang kambal na sina Fourth and Fifth Solomon noong 2014.

Focus ngayon sa trabaho sa likod ng camera si Fifth bilang isang direktor.

Ang kambal naman nitong si Fourth ay busy sa kanyang personal na buhay kasama ang asawang si Grizelle Gratela. Ipinanganak ang kanilang unang baby noong April 2021.

Felix and Dominic Roco

Ang kambal na sina Felix at Dominic Roco ay mga anak ng veteran actor na si Bembol Roco.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Felix Roco (@imnotlexx)

Unang sumabak sa pag-arte ang dalawa sa fantaseryeng Super Inggo.

Kasalukuyang parte ngayon ng isang teleserye si Dominic Roco.

Samantala, si Felix naman ay huling napanood sa 2017 crime drama series ni Brillante Mendoza na Amo. 

Panoorin ang video na ito: 

Anong masasabi niyo sa ating mga kambal na artista?