Sharon Cuneta, excited na gumawa muli ng pelikula: ‘Kahit ako pa mag-produce’

Kasalukuyang nasa ‘movie mode’ umano si Sharon Cuneta.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/01/2021 05:10 PM
Sharon Cuneta, excited na gumawa muli ng pelikula: ‘Kahit ako pa mag-produce’
Photo credit: @reallysharoncuneta IG

Matapos ang matagumpay ang paggawa ng pelikula kasama ang aktor na si Marco Gumabao para sa pelikulang Revirginized, inamin ni Sharon Cuneta na gusto niya pa muling gumawa ng marami pang pelikula ngayon. 

 

 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Sharon na nasa “movie mode” siya ngayon kaya naman gusto niyang gumawa lang ng gumawa ng bagong palabas. 

"I JUST WANT TO MAKE MOVIE AFTER MOVIE AFTER MOVIE!!! I’m in movie mode now. I have my 'seasons.' Sometimes all I want to do is TV. Sometimes all I want to do is sing — make new albums and do concerts," ani Sharon. 

Sharon Cuneta, nagulat kay Marco Gumabao sa ‘Revirginized’

Pag-amin pa nito, parang raw siyang nababaliw kakaisip tuwing wala siyang ginagawang pelikula. 

Aniya: “Now I am in my movie season and I CANNOT WAIT TO FILM BECAUSE NOT DOING SO IS DRIVING ME UP THE WALLS!!!” 

Sinabi naman nito na handa siyang maglabas ng pondo kung saka-sakali matuloy lang ang paggawa ng bagong pelikula. Aniya: “Kahit ako na magproduce!”

 

 

Kasalukuyang ipinagdiriwang ni Sharon ang kanyang ika-40 anibersaryo sa showbiz. 

WATCH: Kiko Pangilinan reacts to Sharon Cuneta’s ‘Revirginized’

Samatala, mapapanood naman ang Revirginized ni Sharon Cuneta sa Vivamax.