• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni LJ Reyes na sinubukan umano niyang ayusin ang kanilang relasyon.

LJ Reyes, binasag ang katahimikan sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

Sinabi ni LJ Reyes na sinubukan umano niyang ayusin ang kanilang relasyon.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/01/2021 09:43 PM
LJ Reyes, binasag ang katahimikan sa hiwalayan nila ni Paolo Contis
Screenshot from The Boy Abunda Talk Channel YouTube Channel

Inilahad ni LJ Reyes ang dahilan ng hiwalayan nila ni Paolo Contis matapos ang kaliwa't-kanang espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)


 

Sa panayam ni LJ kay Boy Abunda na inilabas nitong Miyerkoles, Setyembre 1, ipinaliwanag ng aktres na binasag niya ang kanyang katahimkan para sa kanyang mga anak. 

“I don’t really talk about my personal life. As much as I can, I separate work and my private life,” pagbabahagi ni LJ. 

“I really need to get me, myself, and my kids out of the situation physically. Para kahit papaano, matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family,” ani LJ. 

Inamin din ni LJ na naging mahirap para sa kanya ang naging hiwalayan nila ng kanyang partner ng ilang taon. 

“It was so difficult, it was so painful,” pag-amin ni LJ. Dagdag pa niya: “Kung hindi lang malakas ‘yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

LJ Reyes at Paolo Contis, hiwalay na ba?

Pagpapatuloy pa niya: “Kung hindi matibay ‘yung pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa akin to stand up and wake up every day, hindi ko po alam kung saan ako pupulutin.

“Kailangan ko po ilayo ang mga bata kasi kailangan po na maprotektahan ko sila na magkaroon kami ng healthy and safe environment. Para po sa mga bata ‘yun. Not just for me. Ako po, kaya ko po ‘yun eh.”

Pinabulaanan naman ni LJ na hindi totoo ang kumakalat na balita na “mutual” ang naging desisyon nila ni Paolo na maghiwalay. 

Ani LJ, matagal niya nang nararamdaman na parang lumalayo si Paolo sa buhay nila. 

“Matagal ko nang nararamdaman na nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po 'yun. Honestly, ako po ang nagsabi na parang nasa ibang mundo na siya,” aniya. 

Nitong mga nakaraang buwan, napansin umano ni LJ na palaging wala sa kanilang bahay si Paolo na isa umanong “homebody.” 

Sinabi naman ni LJ na may mga kaibigan umano siyang madalas na nakakakita kay Paolo sa labas.  

Bagama’t sinubukan niyang kausapin si Paolo tungkol sa kanilang relasyon, palagi umanong pinipili ni Paolo na lumayo sa usapin.  

Natatakot naman umanong kausapin si Paolo lalo pa’t alam niya ang mga totoong nangyari kahit pa maraming beses na itong itinanggi ni Paolo. 

“Natatakot akong kausapin siya kasi pakiramdam ko totoo 'yung sinasabi niya sa 'kin pero marami ako malaman na 'di totoo. Ayokong ma-manipulate 'yung alam kong facts,” aniya. 

Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirma ang paghihiwalay ng aktor at ni LJ Reyes

Samantala, sinabi naman ni LJ na sigurado siya sa kanyang mga alam tunkol kay Paolo.

“I can't be wrong. Siguradong sigurado po ako. Marami na ko nakausap na nagpakita sa 'kin ng katotohanan kung paano siya 'pag nakatalikod ako,” ani LJ. 

“Kaya ang hirap po sa akin kasi ito ‘yung nakita ko,” dagdag pa niya. 

Sinubukan din umanong ayusin ni LJ ang kanilang problema ngunit mas pinili umano ni Paolo na buwagin umano ang kanilang pamilya. 

“The past several months, ‘yun po ang ginagawa ko. Umabot sa point na nag-break na po kami. After a few days, na-realize ko na 'di pwede ganito,” ani LJ. 

Dagdag pa niya: “Nagbaba ako ng pride kahit ako 'yung nasasaktan. Inisip ko baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya, 'if you want to take us back.' Pero hindi na raw.” 

Panoorin ang buong panayam sa ibaba: 

Anim na taong magkarelasyon sina Paolo Contis at LJ Reyes bago sila nagdesisyung maghiwalay. Mayroong dalawang gulang na anak ang dalawa na nagngangalang Summer.