• Home
  • Fresh Scoops
  • Silipin ang paghahanda para sa ‘The Broken Marriage Vow’.

Tatak Pinoy outfits, itatampok sa ‘The Broken Marriage Vow’

Silipin ang paghahanda para sa ‘The Broken Marriage Vow’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/08/2021 03:26 PM
Tatak Pinoy outfits, itatampok sa ‘The Broken Marriage Vow’

Umarangkada na sa paghahanda ang isa sa mga inaabangang Kapamilya show na The Broken Marriage Vow na pangungunahan nina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Jodi Sta Maria.

Sa inilabas na all access video ng Dreamscape Entertainment, ipinasilip nito ang ilan sa kanilang paghahanda para sa upcoming Kapamilya series kung saan itatampok ang mga native designs na obra ng mga Pinoy.


Ayon sa direktor nito na si Connie Macatuno, layunin niya at ng produksyon na itampok
ang mga produktong Pilipino sa Philippine adaptation ng Doctor Foster.

“Matagal ko nang inisip actually na makagawa ng isang palabas o serye kung saan gumagamit ng local designs from local designers. And noong ipiniresent sa akin ‘to, ang una kong naisip agad ay, pagsama-samahin silang lahat. So, I initially asked in preparation… so I asked them individually would they be interested to share their products or designs to the show and ‘yung surprise ko is that all of them agreed to be part of the show without even knowing what the show was,” sambit ng direktor sa video.

Paliwanag pa ni Macatuno makikita sa The Broken Marriage Vow ang kakaibang fashion statement ng mga bituin.

“The urban Pinoy concept is mixing the global brands and the Filipino luxe brands together. and showcase the different way of wearing our clothes, our roots and culture in different way,” saad pa ni Macatuno.

Ang The Broken Marriage Vow ay iikot sa kuwento ng pagmamahalan ng pamilya Illustre na unti-unting sisirain ng pagtataksil.

Ang upcoming Kapamilya series ay mula sa international TV series na Doctor Foster ng BBC at ang inspirasyon din ng isa mga hit South Korean-drama series na The World of the Married Couple na napanood din sa ABS-CBN.

READ: Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez magtatapatan sa ‘The Broken Marriage Vow’

Mapapanood ang The Broken Marriage Vow soon sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN Entertainment hatid ng Dreamscape Entertainment.