• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ng mahigpit na protocols ang annual beauty pageant.

Naelah Alshorbaji is the new Miss Earth Philippines

Hindi napigilan ng mahigpit na protocols ang annual beauty pageant.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/08/2021 06:29 PM
Naelah Alshorbaji is the new Miss Earth Philippines
Photo Credit: @nanayowbusiness on Instagram

Sa gitna ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine, matagumpay na naidaos ng Miss Philippines Earth Organization ang kanilang annual beauty pageant. 

Sa pamamagitan ng virtual pageant, kinoronahan si Naelah Alshorbaji ng Philippine-based pageant organization bilang bagong pambato ng Pilipinas sa 2021 edition ng Miss Philippines Earth. 

Stand out si Naelah na isang Fil-Syrian beauty mula sa 66 na kandidata na napili nang Miss Philippines Organization mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. 


 

 

Sa Question and Answer portion pinatunayan ng 23 year old beauty na hindi mapipigilan ng krisis ang pagsusulong ng adbokasiya na tinutugunan ng Miss Philippines Earth. 

Naelah-Alshorbaji-Miss-Earth

Despite the restrictions in terms of pandemic, we have social media for us to progress and move forward. I think that’s the beauty of the generation that we are going through right now. Moving forward, I think I could accomplish my goals and dreams regardless because I have a bright future even if during the pandemic. I hope that inspires people around us.” 

Bukod kay Naelah Alshorbaji, itinanghal rin bilang Miss Philippines Air si Ameera Almamari ng Atimonan, Quezon. Miss Philippines Water si Rocel Angelah Songano ng Iloilo City. Miss Philippines Fire si Roni Meneses ng Mandaluyong City at Miss Philippines Eco-Tourism naman si Sofia Lopez Galve ng Tanay, Rizal. 

Ang Baguio beauty na Roxanne Baeyens ang 2020 Miss Philippines Earth na nagpasa nang titulo kay Naelah Alshorbaji. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Roxie Baeyens (@roxieebae)

 

Si Lindsey Coffey naman nang USA ang reigning Miss Earth title holder na magpapasa ng kaniyang titulo sa susunod na Miss Earth queen.