• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta believes that taking an unusual role will make an audience appreciate the other skills of an actor.

Sharon Cuneta on people’s violent reaction to her role in ‘Revirginized’: ‘I think I have already earned the right to play around and experiment with other roles’

Sharon Cuneta believes that taking an unusual role will make an audience appreciate the other skills of an actor.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/07/2021 02:33 PM
Sharon Cuneta on people’s violent reaction to her role in ‘Revirginized’: ‘I think I have already earned the right to play around and experiment with other roles’

Aware si Sharon Cuneta na ikinagulat talaga ng marami including her Sharonians ang role niya sa pelikulang Revirginized ng Viva Films na idinirek ni Darryl Yap. Nang lumabas ang trailer ng pelikula sa social media ay hindi rin naiwasang magkaroon ng violent reactions ang kanyang fans.

Ayon kay Sharon, sa edad niya ngayon at sa dami na rin ng mga pelikulang nagawa niya ay panahon na raw para mag-experiment naman siya at tumanggap ng roles na hindi niya dati ginagawa.

Paliwanag niya, “From Dear Heart, always the simple, the true, the good, the beautiful, the wholesome, the sweet, the matino, the disente, you know. But I said, after more than 60 movies actually, medyo I think I have already earned the right to play around and experiment with other roles.


“And, you know, at my age especially, a role like this comes along, written by the genius Direk Darryl Yap. Alam n’yo, ang mali lang sa mga tao, ang napapansin lang nila lagi, yung controversial na mga eksenang lumalabas sa trailers ng movies ni Direk Darryl.

“Pero if you watch his movie, mano-notice n’yo po, sa umpisa puro kalokohan yan, puro ganyan. Pero in the end, laging merong tusok sa puso. Nung ikinuwento niya sa akin ito actually, nung pinitch niya sa amin, napaluha ako, eh.

“So, hindi ko mahindian. And I said, ‘Tapangan ko nga yung sarili ko,’ in my own way…  but I’ll try to do it in my own way. Yon ang pinakabastos na kaya ko.

“Pero I think once in a while, when an actor does a movie that is outside of his or her usual genre, na inaabangan ng audience niya at kinasanayan then that makes the audience appreciate the other skills of the actor. And then makes the audience miss the usual kind of movies na ginagawa ng artistang yon,” patuloy na paliwanag ng Megastar.

Para kay Sharon, simula pa lang ang Revirginized sa pagtanggap niya ng kakaibang role.

“I look forward to doing the usual, let’s just call it the usual Sharon movie, na mas medyo deeper na ngayon. Mas mature na, because so am I. But this movie is truly special to me because the role gave me the freedom to become a totally different person.

“I’m very excited actually over Revirginized. When we were shooting it, alam ni Direk, minsan may mga eksenang… ‘Diyos ko, Direk! Talaga bang gagawin ko ‘to? Talaga bang sasabihin ko ‘to? Pero hindi, artista ako. Susundin kita.’

“I trust fully, totally in my director, in the story. Tinanggap ko dahil gusto kong gawin, hindi  dahil sa kailangan kong gawin,” lahad ng singer-actress.

Umaasa naman si Sharon na sa bagong challenge na tinanggap niya bilang aktres ay maiintindihan ito ng kanyang supporters.

“I wanted a challenge, and so I got it. And I think that… I hope I did justice to the role. And I hope my Sharonians will… give it a chance, and try to see beyond just the mga pagmumura, at yung mga salitang hindi ko usually sinasabi kahit sa tunay na buhay,” sabay tawa niya.

“I hope na malagpasan nila yon sa panonood nila ng pelikula at makita nila yung core at yung puso ng movie. ‘Yon ang hope ko dahil talagang… it’s special to me,” huling pahayag ng award-winning actress.

Mapapanood ang Revirginized sa streaming platforms na KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, at Vivamax.