• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento din ni Marco Gumabao kung ano ang kanyang reaksyon nang malaman na makakatrabaho niya si Sharon Cuneta.

Marco Gumabao, ibinahagi kung paano naghanda para sa kontrobersyal na ‘tequila shot’ scene kasama si Sharon Cuneta

Ikinuwento din ni Marco Gumabao kung ano ang kanyang reaksyon nang malaman na makakatrabaho niya si Sharon Cuneta.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/06/2021 12:42 PM
Marco Gumabao, ibinahagi kung paano naghanda para sa kontrobersyal na ‘tequila shot’ scene kasama si Sharon Cuneta
Photo Credit: @gumabaomarco Instagram

“Nag-scrub ako ng katawan noon siyempre. Hindi puwedeng hindi. Nakatatlong ligo ako before that scene.”

Ito ang naging pahayag ni Marco Gumabao sa PUSH at sa ibang entertainment press na present sa digital presscon ng pelikulang Revirginized kung ano ang paghahandang ginawa niya bago kunan ang kontrobersyal tequila body shot scene nila ni Sharon Cuneta sa pelikula.

Sa naturang eksena ay kailangang uminom ng tequila ni Sharon Cuneta habang dinidilaan ang salt na nakakalat sa katawan ni Marco sabay sipsip ng lemon.


Si Marco na gumaganap ng karakter ni Pawie ang leading man ni Sharon sa Revirginized na gumaganap naman bilang si Carmela.

Marco Gumabao, ibinahagi kung paano naghanda para sa kontrobersyal na ‘tequila shot’ scene kasama si Sharon Cuneta

Ano ba ang naging reaksyon ng binata nang malamang si Sharon ang makakasama niya sa pelikula?

Tugon ni Marco, “I was at Viva office that day and then, katatapos lang ni Direk Darryl Yap na mag-pitch sa Zoom. I entered Boss Vic del Rosario’s office and then, biglaan, sinabi sa akin ni Boss Vic, ‘O Marco, may bago kang movie, kasama mo si Miss Sharon.’

“Siyempre, I’m so excited. Hindi ako makapaniwala talaga noong una. So I thought noong una, anak ako, yon talaga ang unang pumasok sa isip ko. ‘Ikaw yung magiging leading man ni Sharon sa movie.’ I was really shocked and I was really excited.”

Ayon naman kay Sharon, masaya siyang nakatrabaho sa pelikula si Marco.

“He’s a dream to work with because he is professional. He is obviously the heartthrob of Viva now. He’s a good boy. We’re both Christians and, you know what, he’s a friend of mine. He’s a dream to work with,” pahayag niya.

“Dyusko, anak ko na yan, younger than KC (Concepcion).  In the movie, I call him Pawie. Usually, when it's someone his age that I work with, I call him son, anybody, son or anak.

“With Marco, I tried to keep it really straight. ‘This is Pawie, this is my honey in the movie.’ So, hanggang promo, pinaninindigan ko yon for the sake of the movie,” kuwento pa ng Megastar.

Nang lumabas ang trailer ng Revirginized ay hindi naman maiwasang ma-bash ito ng ilang netizens dahil sa eskandalosang mga eksena.

“Everyone’s entitled to their own opinion so, of course, rerespetuhin namin if ever yun po ang opinyon nila para sa movie namin,” reaksyon dito ni Marco.

“But for me, before you bash us, or before you say bad stuff about our film, I think it’s best that you watch it first. Based on the trailer, parang it’s all partying, it’s all about having fun. But if you really watch the whole film, makikita niyo na may lesson sa dulo, especially yung scene namin ni Miss Sharon.

“I think that was one of the best scenes of the movie kasi yun talaga ang naging turning point for the character of Miss Sharon,” dagdag na paliwanag ni Marco.

Mapapanood ang Revirginized na idinirek ni Darryl Yap via Ktx.Ph simula ngayong Biyernes, August 6, 2021. Magkakaroon din ito ng theatrical release sa US at Canada sa August 13 at mapapanood din sa Vivamax.