• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikwinento ni Awra Briguela kung paano siya ginabayan nina Coco Martin at Vice Ganda sa kanyang pag-aartista.

Awra Briguela: ‘Never akong nag-stop mag-aral sa buong showbiz journey ko’

Ikwinento ni Awra Briguela kung paano siya ginabayan nina Coco Martin at Vice Ganda sa kanyang pag-aartista.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/05/2021 02:52 PM
Awra Briguela: ‘Never akong nag-stop mag-aral sa buong showbiz journey ko’
Photo Credit: @awrabriguela Instagram

Proud si Awra Briguela dahil hindi siya kailanman huminto sa pag-aaral sa kabila ng kanyang kaliwa’t-kanang proyekto sa nakaraang limang taon. 

 

 

Sa panayam ni Awra sa Hashtags member na si Kid Yambao, binalikan ni Awra kung paano nagsimula ang kanyang karera bilang isang artista. 

Dito, naging bukas ang batang aktor kung paano siya ginabayan nina Coco Martin at Vice Ganda.

Ani Awra na naging bahagi noon ng FPJ’s Ang Probinsyano, si Coco ang nagturo sa kanya kung paano umarte. 

“Si Kuya Coco ‘yung pinaka nagturo sa akin sa acting. Like dahil nga bata ako na walang muwang nu’n, nu’ng nagte-taping ako, medyo [nahihiya] ako sa mga tao nu’n. Siyempre ang daming camera. So, natingin ako kung saan-saan,” saad niya. 

READ: Awra Briguela stuns with his JS Prom look

“Tinuruan niya sa akin, mata sa mata. Dapat isapuso mo ‘yung mga linya mo ganyan. Tapos si Kuya Coco, support din siya sa akin kung ano ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay,” dagdag pa niya. 

Bagama’t biglaan ang naging pag-aartista niya, hindi umano nagdalawang-isip si Awra na tanggapin ang proyekto lalo pa’t malalaking artista umano ang mga makakasama niya. 

 

 

“Ako naman kasi, 12 years old ako nu’n eh. Ayokong sayangin ‘yung opportunity. Big star na ‘yung mga kasama ko bigla eh. Coco Martin, Vice Ganda. So, kung ano ‘yung makabubuti sa akin na sinasabi nila na ganito gawin mo, ginagawa ko siya tapos ginagalingan ko talaga,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa niya: “And ayokong umasa sa iba na gusto ko tutukan nila ako sa ganito kaya [gumagawa] ako ng personal growth. Ayokong masayang ‘yung opportunity. Kaya inadopt ko talaga siya, inabsorb ko siya.”

READ: Kapamilya Spotlight: Awra Briguela

Samantala, nagpasalamat naman si Awra sa pagkalinga na ibinigay sa kanya nina Coco at Vice. 

“Naalagaan talaga ako ni Kuya Coco at ni Ate Vice. Kaya [din] nagka-movie kami — ‘yung Super Parental Guardians. Du’n ko nailabas ‘yung totoong ako talaga. Kasi sa Probinsyano, Mac-mac ako na nagtatagong bakla,” ani Awra. 

“Eh nu’ng [nagsama] kami ni Ate Vice, ‘yung mga spaghetti namin, ‘yung mga viral na eksena namin, du’n ‘yung parang, ito talaga ako. ‘Yung gusto ko ‘yung ganitong ganap. Nu’ng time na ‘yun, nabigyan ako ng break kay Meme Vice. After ng Super Parental Guardians, nag-Your Face Sounds Familiar ako,” dagdag pa niya. 

 

 

Proud naman si Awra dahil hindi umano siya huminto sa pag-aaral sa loob ng nakaraang limang taon. 

“Never akong nag-stop mag-aral sa buong [showbiz] journey ko. Five years akong nag-aartista, never akong nag-stop mag-aral,” aniya. 

READ: Sweet victory! Awra Briguela recounts struggles, congratulates self in graduation message

Sa kabila ng lahat, pinakamasaya si Awra sa pagiging proud ni Vice Ganda sa lahat ng kanyang narating sa buhay. 

“So nu’ng nagyo-Your Face Sounds Familiar ako tsaka Ang Probinsyano, siyempre natutuwa si Meme Vice. ‘Ang galing mo daw,’ ganito ganyan.  Magkatabi lang ang studio ng Your Face at It’s Showtime, kaya dinadalaw-dalaw ko,” aniya. 

Binalikan naman ni Awra ang mga panahong naging proud umano sa kanya si Vice dahil sa naging tagumpay niya sa kompetisyon kahit wala sila doon upang suportahan siya. 

“Du’n siya na-proud kasi wala si Ate Vice at Kuya Coco pero nanalo ako ng Your Face Sounds Familiar.” 

Samantala, humanga naman si Kid kay Awra dahil naipagpatuloy ni Awra ang kanyang pag-aaral sa kabila ng pagiging busy nito sa trabaho.