• Home
  • Fresh Scoops
  • Patuloy ang paghahanda ng aktres na si Julia Montes para sa kanyang pagbabalik arte sa action series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

PANOORIN: Julia Montes, sumabak sa motorcycle training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Patuloy ang paghahanda ng aktres na si Julia Montes para sa kanyang pagbabalik arte sa action series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/04/2021 03:52 PM
PANOORIN: Julia Montes, sumabak sa motorcycle training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Screenshot from @montesjulia08 Instagram

Patuloy ang paghahanda ng aktres na si Julia Montes para sa kanyang pagbabalik arte sa long-running action series na FPJ's Ang Probinsyano.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, Agosto 4, ibinahagi ni Julia ang video ng kanyang motorcycle training para sa kanyang kaabang-abang na karakter sa serye.

"RIDE ON! Watch this sneak peek ng motorcycle training ko for 'Ang Probinsyano'! Madaming nakakasabik na eksena ang dapat po ninyong abangan kaya sana samahan po ninyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!" ani ng aktres.


 

 

Noon lamang Sabado, Hulyo 31, nagbahagi rin si Julia ng video kung saan ibinida niya ang kanyang target shooting skills.

 

 

Si Julia, 26, ang pinakabagong leading lady ng aktor na si Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano.

BASAHIN: CONFIRMED: Julia Montes is Coco Martin’s new leading lady in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN Entertainment, ibinahahagi ng aktres ang kasiyahan na maging parte ng sikat na serye. 

"Siguro kung ico-compress ko into words it is more of blessed lang talaga and honored to be part of this big project... And 'yun lahat po kasi ng bumubuo eh. Hindi po siya aabot ng six years kung hindi lahat hindi binigay 'yung puso nila, 'yung puso niya (Coco). So alam ko ang sarap ng magiging journey at marami rin akong matututunan," aniya.

Aminado naman si Julia na ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng pressure lalo at makaka-eksena niyang muli si Coco, na napapabalitang nobyo niya.

"May pressure po siyempre hindi naman mawawala 'yun," ani ng aktres.

"Siguro 'yung pressure gusto kong ma-meet 'yung expectation niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated. And I'm just so proud of him sa lahat ng na-achieve niya ngayon from before then ngayon na lahat na talagang tutok siya. So I'm just happy to be part of that project and creative side of [him]," dagdag niya.

Nang matanong naman kung gaganap ba siya bilang kakampi o kalaban sa Ang Probinsyano, sagot ni Julia: "Actually any po, both okay ako."

"And 'yun nga po 'yung masarap mapasok sa show na 'to kasi nga 'yung challenge and 'yung journey ng character mo hindi basta-basta. Hindi siya 'yung typical teleserye na pag pumasok ka alam mo na agad. Ito may challenge as an actor. Ano 'yung pwede mo pang ibigay kung binigyan ka ng scenario. So iyon 'yung exciting part," sabi pa niya.