• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdadalamhati ngayon ang mundo ng entertainment sa pagpanaw ng komedyanang si Mahal.

TV comedienne na si Mahal, pumanaw na

Nagdadalamhati ngayon ang mundo ng entertainment sa pagpanaw ng komedyanang si Mahal.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/31/2021 07:58 PM
TV comedienne na si Mahal, pumanaw na
Photo Credit: @Irene Tesorero on Facebook

Labis na nagdadalamhati ngayon ang mundo ng entertainment sa biglaang pagpanaw ng TV personality na si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay. Si Mahal ay 46 taon.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ng kaanak ni Mahal na si Irene Tesorero nakumpirma ang malungkot na balita. 

Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule ng kanyang burol due to COVID restriction,” pahayag sa Facebook ng kaniyang kapatid.  


Mahal

Noeme Tesorero

Noeme Tesorero

Irene TesoreroPhoto Courtesy Irene Tesorero Facebook  

Nakilala si Mahal sa tambalang Mahal at Mura kasama ang kaniyang malapit na kaibigan na si Cielito Del Mundo (Mura) kung napanood sila sa iba’t ibang programa sa telebisyon. 

Hindi man naging aktibo sa telebisyon kamakailan, naging aktibo naman sa social media si Mahal kung saan pinasok na rin niya ang vlogging. 

Kamakailan lang, naging trending ang pagkikita ni Mahal at Mura na may kani-kanilang mga buhay. 

Kasunod nang malungkot na balita, sinariwa naman ng iba’t ibang personalidad at malalapit na kaibigan ng komedyana ang masayang buhay ni Mahal. 

Isa na dito si Brenda Mage na minsang naging katuwang ni Mahal sa kaniyang buhay. 

2years din kita nakasama sa bahay at naging Alalay mo sa mga out of town shows mo.. araw araw gabi gabi magkakasama…. Ang tapang mo para umabot ng ganyang Edad sa kalagayan mo…Bago ka nawala nakagawa ka pa ng napakabuting gawain sa partner mong si Mura…Mahal ka ng lahat… Mahal ka namin MAHAL…. pahinga na aming Munting MAHAL….. NOEMI TESORERO MAY YOU REST IN PEACE 🙏🙏🙏🙏 

Ang aktres na si Rosanna Roces na binalikan ang masayang alaala kasama si Mahal. 

Pumanaw na po si Mahal. Aka noeme tesorero..isang napaka lungkot na Balita😭 salamat sa pagkakataong makasama at maka trabaho ka. Uwi na kay Lord Mahal. Gastro at covid po ang dahilan ayon sa kanyang kapatid.”  

 

Sa ngayon, wala pang tiyak na detalye kung saan ilalagak ang mga labi ng komedyana.