• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpositibo ang aktres na si Kim Domingo sa coronavirus. Paalala niya: ‘Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede kang tamaan ng COVID-19.’

Kim Domingo, nag-positibo sa COVID-19

Nagpositibo ang aktres na si Kim Domingo sa coronavirus. Paalala niya: ‘Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede kang tamaan ng COVID-19.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/31/2021 01:06 PM
Kim Domingo, nag-positibo sa COVID-19
Photo Credit: @kimdomingo_ Instagram

Kahit nabakunahan na ay nagpositibo pa rin ang aktres na si Kim Domingo sa COVID-19.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, “COVID-19 vaccines are effective and are a critical tool to bring the pandemic under control. However, no vaccines are 100% effective at preventing illness. Some fully vaccinated people will get sick, and some will even be hospitalized or die from COVID-19. However, there is evidence that vaccination may make illness less severe for those who are vaccinated and still get sick. The risk of infection, hospitalization, and death are all much lower in vaccinated compared to unvaccinated people.”

"Nag-positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako. Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated," ani Kim sa Instagram nitong Lunes, Agosto 30.


"Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sa 'kin. Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin siya nakikita."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

 

Sa kanyang post, inanyayahan din ni Kim ang kanyang mga taga-sunod na kung mayroon silang pagkakataon ay magpabakuna na sila laban sa COVID-19.

Pag-amin niya, "Isa rin ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko 'yan. Ako pa naman 'yung tipo ng tao na mahilig mag-search at magbasa basa. Sabi ko 'di bale na lang, pero hindi talaga ako papabakuna. Madami ako nakausap, na-explain sa 'kin nang maayos. Nakwento rin nila kung ano mga experience nila after magpa-vaccine.

"Isang araw na-realize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na. Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pagtinamaan kami ng COVID. Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng COVID."

BASAHIN: Isko Moreno, nakalabas na sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19

Nagpapasalamat naman si Kim na nakapagpabakuna na siya at ang kanyang pamilya bago pa siya tinamaan ng COVID-19. Ayon sa aktres, hindi malala ang kanyang sintomas, at kinakailangan niya lang umano na magpahinga at umiwas sa stress.

"Wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. Pero still malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko. Pahinga lang at iwas ma-stress. Tuloy tuloy pa din ako sa pag-iingat, pag di-disinfect, hindi din po ako lumalabas. Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag negative na sa virus," aniya.

Sa huli, pinasalamatan ni Kim ang mga taong nagpaabot ng kanilang mensahe at pag-aalala. Pinaalalahanan din niya ang lahat na mag-ingat sa COVID-19.