• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaligtasan ng mga kandidata ang naging prioridad ng Miss International Organization.

60th Edition ng Miss International, kanselado na

Kaligtasan ng mga kandidata ang naging prioridad ng Miss International Organization.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/31/2021 05:30 PM
60th Edition ng Miss International, kanselado na

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tokyo, Japan, inanunsyo na ng Miss International Organization na kanselado na ngayong taon ang 60th edition ng annual beauty pageant.

Sa official website ng Miss International Organization, inihayag ng Chairperson ng International Cultural Association na si Akemi Shimomura ang malungkot na balita para sa International pageant fans.

“We would like to express our deepest regret especially to the participants from all over the world, and to all those who have been supporting our event every year. We humbly ask for your understanding in light of this unusual circumstance which is beyond our control,” bahagi ng statement ng Miss International Organization.


RELATED LINK: To our valued followers and supporters: Notice of Cancellation of Miss International 2021

Kinompirma rin ng Miss Internationaal Organization na nais pa rin nilang ituloy ang 60th edition ng Miss International sa taong 2022.

Si Hannah Arnol ng Masbate ang kandidata sana ngayong taon ng Pilipinas para sa 60th edition ng Miss International pageant.

 

 

Isa lamang ang Pilipinas sa Southeast Asia na nakasungkit ng pinakamaraming korona sa Miss International na nakamit nina Aurora Pijuan noong 1970, Melanie Marquez noong 1979, Precious Lara Quigaman noong 2005, Bea Rose Santiago noong 2013, at Kylie Verzosa nitong 2016.

Sa ngayon, tuloy ang kampanya ng pageant Organization sa kanilang slogan na “Cheer All Women” campaign. Si Bint Sireethorn ng Thailand ang reigning title holder ng Miss International.