• Home
  • Fresh Scoops
  • Maraming naging rebelasyon si John Lloyd Cruz tungkol sa kanyang buhay nang paunalakan nito ang panayam kay Karen Davila.

John Lloyd Cruz, inaming hindi handa sa naging pagdating ni Elias sa buhay niya; handa nang umibig muli

Maraming naging rebelasyon si John Lloyd Cruz tungkol sa kanyang buhay nang paunalakan nito ang panayam kay Karen Davila.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/03/2021 09:08 AM
John Lloyd Cruz, inaming hindi handa sa naging pagdating ni Elias sa buhay niya; handa nang umibig muli
Photo Credit: @johnlloydcruz83 Instagram

Sinagot ni John Lloyd Cruz ang iba’t-ibang katanungan tungkol sa kanyang buhay pag-ibig kabilang na ang katanungan kung handa na nga ba siyang umibig umuli. 

 

 

Sa panayam ni John Lloyd sa Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila ay unang napag-usapan ang dahilan ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa industriya at ang kanyang pagbabalik-showbiz. 

Dito, inamin din ni John Lloyd na hindi niya inasahan ang naging pagdating ng kanyang anak na si Elias noon. Sa katunayan, wala umano ito sa plano nila ng kanyang partner noon na si Ellen Adarna. 

“Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na we are in control,” saad ni Lloydy. 

Dagdag pa niya: “We like that idea na ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’ It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinano mo but in reality, especially ngayon after tatlong taon, iba eh. Hindi eh.” 

READ: John Lloyd Cruz on stepping back into the limelight: ‘Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho’

Bagama’t hindi nila ito inasahan, hindi naman nito itinanggi na nakaramdam ng takot sa kaakibat na responsibilidad ng pagiging isang ama. 

“I didn’t get scared (sa mga responsibilities) at all. I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. But I think that’s the whole essence of it,” paliwanag ni John Lloyd. 

 

 

Hindi rin naiwasang maitanong sa aktor ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. 

Ilan sa mga naging karelasyon ni John Lloyd sa showbiz ay sina Kaye Abad, Liz Uy, Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao, at Angelica Panganiban. 

Samantala, huli naman nitong naging karelasyon si Ellen Adarna na ina ng kanyang anak na si Elias Modesto. 

Nang tanungin kung sa tingin niya ay dumaan na ang taong nakalaan para sa kanya, inamin ni JL na maging siya ay hindi alam ang kasagutan dito. 

READ: A look back at John Lloyd Cruz’s dating life

Gayunpaman, inamin nito na handa siyang umibig muli sa tamang panahon. Ngunit sinabi naman nito na hindi niya masasagot kung handa nga ba siyang pasukin ang buhay may asawa. 

“Alam mo mahirap magsalita ng tapos,” sambit ni JL. “Sometimes, we do things para sa mga love natin na they are just wild, parang out of character. You’ll never know anong kaya mong gawin when you’re in love,” saad pa nito. 

 

 

Hindi naman nito sinagot ng derecho kung siya ang “marrying type” na lalaki. 

“Mas grounded lang I guess yung approach ko. If you call it marriage, then it’s marriage,” saad niya. 

Pinabulaanan naman ni JL na taliwas sa tingin sa kanya ng mga tao, hindi siya babaero.