• Home
  • Fresh Scoops
  • Una nang inamin ni Atong Ang na magkasosyo lamang sila ni Gretchen Barretto sa sabong business.

Gretchen Barretto at Atong Ang spotted sa sabungan; kantiyaw ng netizens, relationship goals ang dalawa

Una nang inamin ni Atong Ang na magkasosyo lamang sila ni Gretchen Barretto sa sabong business.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/03/2021 03:24 PM
Gretchen Barretto at Atong Ang spotted sa sabungan; kantiyaw ng netizens, relationship goals ang dalawa
Screenshot from Geronimo Jr Jacaban Cabo Facebook Post

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video nina Gretchen Barretto at Atong Ang na magkasama sa isang sabungan. 

Sa kumakalat na video, makikita na tila enjoy na enjoy ang dalawa habang pinpanood ng libu-libong manonood ng online sabong.

Kilala si Gretchen ngayon bilang “Lady Tiger” dahil sa entry nito sa naganap na laban. 


Ayon sa video na kinuha sa WPC 2029, naganap ito sa 12-Stag Derby (4 Stag Prelim) event noong Hulyo 30. 

Dahil sa kumakalat na tsismis na may namumuo umanong sa pagitan nilang dalawa, hindi napigilan ng ilang netizens na kantiyawan ang mga ito at sinabi pang “relationship goals” ang dalawa. 

Taong 2019 nang pabulaanan ni Atong Ang ang mga spekulasyon sa relasyon nila ni Gretchen pati na ang iba pang umiikot na tsismis sa pagitan niya at pamangkin ni Gretchen na si Nicole at kapatid ng aktres na si  Claudine. 

READ: Gretchen Barretto parties with Atong Ang and other friends

Ito ay matapos akusahan si Nicole ang kanyang tiyahin na si Gretchen ng pang-aagaw umano kay Atong Ang sa kanya. 

Dito, nilinaw ni Atong ang na walang kinalaman si Gretchen sa kung ano man ang nangyari sa kanila ni Nicole. 

"Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen,” saad ni Atong sa panayam nito kay Henry Omaga-Diaz. 

READ: Gretchen Barretto clarifies ‘nothing wrong’ with viral photo with Atong Ang

Nilinaw din niya na magkasosyo lamang sila ni Gretchen sa mga negosyo gaya ng casino at sabong. 

"Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada,” dagdag pa niya. 

"Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon,” pagpapatuloy pa niya. 

Nilinaw din niya na walang namamagitan sa kanila ni Claudine. 

"Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro — ‘yun lang ang naging relasyon namin,” saad niya. 

READ: Atong Ang clarifies connection with Gretchen, Nicole and Claudine Barretto

Sambit pa niya: "Si Nicole, pinagaral ko 'yan, ang nagtrabaho sa akin 'yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko."

Samantala, Nobyembre noong nakaraang taon nang masangkot ang dalawa sa isang kontrobersiya nang lumipad ang dalawa papunta ng Iloilo para makipagkita sa mga sabong operators. 

Bagama’t hindi ito ipinagbabawal, lumabag umano ang dalawa sa health protocols.