• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Angeline Quinto ang tunay na pinanggagalinagan ng kaniyang kagandahan.

Angeline Quinto, ibinahagi ang kaniyang ‘Tiis Ganda’ moments

Ibinahagi ni Angeline Quinto ang tunay na pinanggagalinagan ng kaniyang kagandahan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/03/2021 06:26 PM
Angeline Quinto, ibinahagi ang kaniyang ‘Tiis Ganda’ moments

Hindi napigilan na maging emosyonal ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa panibagong blessings na dumating sa kaniyang buhay ngayon.

Sa kabila nang pandemya, tuloy sa pag-arangkada si Angeline bilang unang endorser ng beauty products ng Ayesha Beauty Products Corporation na isa sa kaniyang itinuring na pamilya ngayon.


“Alam niyo po sobrang excited ako para dito. Kasi alam niyo naman po na simula last year, simula nang pandemic talagang maraming nagbago sa ating lahat,” sambit ni Angeline sa naganap na contract signing kasama ang owners ng kaniyang bagong endorsement.

Patuloy ni Angeline: “Talagang nagiging emotional ako. Hindi ako malungkot, gusto ko lang magpasalamat sa inyo ng lahat po. Alam niyo naman kung ano ang nangyari sa akin last year. Simula noong nawala ang Mama ko, masyado po akong… masyado po akong naiingit sa mga taong buo ang pamilya. At itong Ayesha, sobra ko itong ipinagdasal. At alam kong itong Ayesha family, ito ang sagot sa akin ng diyos ‘Huwag kang malungkot, marami kang magiging pamilya’, kaya maraming maraming salamat,” ani ng singer.

RELATED ARTICLE: Mama Bob ni Angeline Quinto , pumanaw na

At kahit na emosyonal, hindi pa rin nawala sa Kapamilya singer ang pagiging masayahin. Sa naging panayam ng entertainment press, aminado si Angeline na tulad nang kaniyang pagtitiis sa kalungkutan mayroon din siyang ibinahaging “Tiis Ganda moments”.

“Oo naman, umpisahan natin sa mga naipagawa ko kay Doctora Belo,” masayang pag-amin ng singer.

“Ever since naman, talagang kung ano ang mga itininatanong sa akin kung ano ang mga naipagawa ko, hindi ko naman ‘yun itinatago sa ibang tao, like ‘yung sa mata liposuction. Siguro ‘yun ang tiis ganda kasi ginusto ko e, so noong nawala ang anesthesia, tiis lang, ginusto ko eh,” masayang tugon ni Angeline.

RELATED ARTICLE: Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib

Bukod sa “Tiis Ganda” moments, aminado rin si Angeline na mayroon rin siyang Bad Hair Days.

“Mayroon talagang mga moments na pag-gising mo sa umaga, parang hindi ka maganda. Tapos ma realize mo na kaya pala hindi ka maganda, kasi hindi ako masaya ‘yun pala iyun,” ani singer.

Tip ni Angeline: “Kaya pag gising ko sa umaga, sinisigurado ko na nagdarasal ako,nagpapasalamat ako sa panibagong buhay na kahit may pandemya, nagising na naman tayo at napakalaking blessing na ‘yun. At kung matututo tayo na pahalagahan ang kung ano ang mayroon tayo, kusa nang papasok ang tunay na saya na kailangan natin maramdaman,” pahayag ng singer.

Bukod sa pagtanggap ng bagong endorsement, looking forward pa si Angeline sa mga upcoming projects na kanjyang posibleng gawin bago magtapos ang 2021.