• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinkee Pacquiao, tila may bwelta sa mga bumatikos sa kanyang OOTD.

Dahil sa OOTD ni Jinkee Pacquiao na P2.2M, asawa ni Pacman tinawag na ‘walang kahihiyan’ ng radio anchor

Jinkee Pacquiao, tila may bwelta sa mga bumatikos sa kanyang OOTD.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/28/2021 02:36 PM
Dahil sa OOTD ni Jinkee Pacquiao na P2.2M, asawa ni Pacman tinawag na ‘walang kahihiyan’ ng radio anchor
Photo credit: @jinkeepacquiao Instagram

Hot topic pa rin ngayon sa social media ang mamahaling kasuotan o OOTD ni  Jinkee Pacquiao sa mismong laban ng asawa niyang si Manny Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas noong Agosto 22, 2021.

Ang naturang OOTD ni Jinkee ay pinagmulan din ng pangungutya ng ilang netizens at radio personality katulad na lang ni Cristy Fermin. Tinawang ng radio anchor na walang kahihiyan ang asawa ng Pambansang Kamao dahil sa mga mamahaling suot nito sa panahon ng pandemya.

READ: OOTD ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Manny Pacquiao, nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso?


Wika nito, “Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa kaniyang kagamitan.

“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami daming nagugutom na pamilya, ang dami daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan.”

Bagama’t hindi direktang sinagot ang patutsada ni Fermin ay tila para na rin dito ang bwelta ni Jinkee na pinost niya sa kanyang social media account.

“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours. Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.

“God is good all the time!” lahad niya.

READ: Jinkee Pacquiao pens message for husband Manny Pacquiao: ‘You are forever the champion of our hearts’

Ayon sa report ay lumalabas na nagkakahalaga ng halos P2.2 million ang OOTD ni Jinkee sa Amerika during the Pacquiao and Ugas fight. Isa-isahin natin.

Ang kanyang Shelly cutout pink linen-voile mini dress (Zimmermann) ay nasa €740 o P43,549; Mini Lady Dior pink alligator bag, $8,117 to $9,500 o P406,726 to P476,026.

Ang gold accessories from Tiffany and Co. na Bypass Ball 18k yellow gold bracelet na suot ni Jinkee ay nagkakahalaga naman ng $1950 o P97,710; habang ang suot niyang City HardWear 18k yellow gold and diamond pave bracelet ay nasa $18,500 o P926,998.

Suot din ni Jinkee ang Tiffany and Co. Jewel Box necklace (yellow gold) with emerald-cut pink Tourmaline na may price tag na USD5,500 o mahigit P275,000 plus her Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite garnet na aabot ang halaga sa mahigit P227,000.

Suot din ni Jinkee ang singsing na Van Cleef and Arpels’s Perlée “Pearls of Gold” na may presyo umanong P71,500.

Maging ang sapatos ni Jinkee ay agaw-eksena rin dahil isang Amina Muaddi Begum Glass Pumps na ang presyo ay more than P112,500 ang kanyang suot.

WATCH: Video of Jinkee Pacquiao taking care of husband Manny Pacquiao after loss goes viral

Kayo na ang bahalang magkuwenta kung magkano talaga more or less ang halaga ng OOTD ni Jinkee. Naging insensitive nga ba siya sa pagsusuot ng mga ganito kamamahal na gamit ngayong pandemya o dahil wala naman siyang pinuperwisyong ibang tao kaya karapatan niya lang din na isuot ang mga mamahaling bagay na pinaghirapan ng kanyang asawang si Manny?