• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa ng netizens ang throwback photos na inilabas ni Alex Gonzaga kasama ang kapatid na si Toni Gonzaga.

Throwback photo nina Toni at Alex Gonzaga, kinagiliwan ng netizens

Ikinatuwa ng netizens ang throwback photos na inilabas ni Alex Gonzaga kasama ang kapatid na si Toni Gonzaga.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/27/2021 11:01 AM
Throwback photo nina Toni at Alex Gonzaga, kinagiliwan ng netizens
Photo Credit: @cathygonzaga Instagram

Ikinatuwa ng netizens ang throwback photos na inilabas ni Alex Gonzaga kasama ang kapatid na si Toni Gonzaga.

Sa Instagram, ibinahagi ni Alex sa kanyang followers ang mga retrato nila ng kanyang ate noong sila ay bata pa.

"Mga batang musmos ni Pinty at Bonoy," aniya sa caption.


 

 

"Ang saya saya natin niyan kahit wala naman. Hehe," komento ni Toni sa kanyang post.

Nag-react din ang ilan sa kanilang mga celebrity friends na sina Angel Locsin, Luis Manzano, Melai Cantiveros, at Karen Davila.

Sa ngayon ay umabot na sa halos 570,000 "likes" ang nasabing post ni Alex.

Taong 1997 noong pumasok si Toni, na mas matanda sa magkapatid, sa pag-aartista. 

Ilan sa kanyang mga sikat na pelikula ay You Are The One, My Big Love, My Amnesia Girl, Four Sisters and a Wedding, at Starting Over Again.

Samantala, 2006 naman noong sumabak si Alex sa showbiz, ngunit mas nakilala siya dahil sa kanyang vlog.

Ngayon ay isa na siya sa mga pinakasikat na vlogger sa Pilipinas at may 11.3 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

BASAHIN: Alex Gonzaga victimized in a snatching incident on EDSA, recovers phone

Noong Hunyo, sa ika-15 showbiz anniversary ni Alex, ibinahagi ni Toni kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapatid dahil sa mga narating nito.

"Congrats @cathygonzaga!!!!! Thank you for starting the party already even before anyone celebrates you. I’m proud of you,” aniya.

“Parang sa 15 years, 13 years puro heartaches, but you kept your faith and pushed yourself to keep going. I’m so happy you are reaping the rewards of your perseverance... Love you! You are an inspiration."