• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinagiliwan ng netizens ang jamming session ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

PANOORIN: Kim Chiu at Xian Lim, nag-jamming

Kinagiliwan ng netizens ang jamming session ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2021 02:04 PM
PANOORIN: Kim Chiu at Xian Lim, nag-jamming
Screenshot from @xianlimm Instagram

Kinagiliwan ng netizens ang jamming session ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa Instagram, nag-post si Xian ng video kasama si Kim habang nagdu-duet sa kantang "Shallow" mula sa sikat na pelikula na A Star Is Born.

"Xian Cooper and KimChiu Gaga. Lady Gaga and Bradley Cooper left the chat," biro ni Xian sa kanyang caption, patungkol sa Hollywood stars na umawit ng kantang "Shallow".


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

 

Sa ngayon ay umabot na sa halos 300,000 views ang kanilang song cover, at may higit sa 1,600 komento.

Isa sa mga nag-react sa video ay ang Love Thy Woman co-star ng dalawa na si Yam Concepcion.

"Haha cute niyo!" sabi ni Yam.

Nag-comment din ang direktor ng kanilang 2014 movie na Bride For Rent na si Mae Cruz Alviar.

"Nakaka-good vibes," aniya.

BASAHIN: Kim Chiu at Xian Lim, naglaro ng ‘Who’s More Likely’ challenge

Siyam na taon nang magkarelasyon sina Kim at Xian, o ang tambalang mas kilala bilang "KimXi".

Gayunpaman, noong 2018 lamang inamin ni Kim ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa panayam ni Boy Abunda para sa Tonight With Boy Abunda.